HANOI—Sinabi ni Philippine Sports Commission Commissioner Ramon Fernandez nung Martes na papayagan ang mga manonood para masaksihan at magbunyi sa atleta sa ‘competition venues’ ng 31st Southeast Asian Games.
Si Fernandez, ang chef de mission ng bansa sa Games ay dumalo sa unang chef de mission meeting sa Hyatt Regency West Hanoi na kung saan ang 11 CDMs ng 11 national Olympic committee ay naroon para pasinayaan ang pagtitipon.
“The host country will open the venues to fans and spectators as long as they strictly follow health and safety protocols,” sabi ni Fernandez, na dumalo sa meeting kasama si Liza Ner ng PSC International Games Secretariat.
Maliban sa football, sinabi ni Fernandez na walang ‘fees’ na sisingilin sa entrance sa lahat ng venues ng kompetisyon sa 39 sports mula sa opening ceremonies ng laro sa Thursday hanggang sa closing rites sa May 23.
“Tickets will only be sold during football matches where a large volume of spectators are expected,” sabi ni Fernandez.
Sa pagbubukas ng gates sa publiko, isinaboses din ni Fernandez ang kapakanan at kaligtasan ng mga Pinoy na atleta para makaiwas sa Covid-19, na senigundahan naman ng Indonesia at Singapore at suportado ng lahat ng CDMs.
“Vietnam organizers assured that health protocols will be in place by wearing masks and the strict implementation of social distancing,’’ sabi ni Fernandez.
Ang iba pang ‘concerns’ ay tinalakay sa CDM meeting na isinulong ni Fernandez ang isyu ng pagkakaroon ng medical room, na naka-istasyon sa headquarters ng Philippine delegation.
Tinalakay din ang pagkakahanay para sa Team Welcome Ceremony para sa Team Philippines at iba pang bansa sa Miyerkules bago pa ang opening rites.
Ang partisipasyon ng bansa sa 11-nation multi-sports meet ay pinondohan ng PSC, ang government arm in sports, para pasiglahin ang misyon na mapanatili ang titulo ng 908-strong delegation kasama dun ang 641 atleta mula sa 38 sports.