Sunday , December 22 2024
Jejomar Jojo Binay

Lalong umugong na may sakit:
BINAY NO SHOW SA ELECTION RALLY KAHIT SA BALWARTE SA MAKATI CITY

SA KAHULI-HULIHANG campaign rally para sa 2022 national election, no show pa rin si dating Vice President at senatorial bet Jejomar Binay kahit sa Leni-Kiko miting de avance, tinatayang 800,000 supporters ang dumalo, na ginanap sa sarili nitong balwarte sa Makati City.

Ipinaliwanag ng isang political analyst, mahalaga ang pagdalo sa mga campaign rally lalo sa miting de avance dahil ito ang konsolidasyon ng buong kampanya ng isang kandidato.

“Maliban kung may seguridad ang isang kandidato na mananalo siya, importante talagang dumalo ang mga kandidato sa miting de avance, ang logic kasi diyan ay pagpapakita kung ano ang stand mo at prinsipyo,” pahayag ni political analyst Mon Casiple.

Kasunod ng hindi pagsipot ni Binay sa Makati rally, na isa siya sa guest candidate ng Leni-Kiko tandem senatorial slate ay nag-trending sa social media at sa tiktok ang #NasaansiJojoBinay.

Inasahan ng marami na magpapakita si Binay kanyang balwarte na pinagdausan ng miting de avance at sa harap na rin ng alegasyon laban sa kanya na “unfit” maging senador.

Isang manifestation ang inihain kamakailan sa Commission on Elections (Comelec) na kinukuwestiyon ang mental capability ni Binay matapos lumabas ang balitang nakarararanas ng early signs ng dementia sa edad 79 anyos.

Sinabi ni Ex-OWWA Deputy Administrator Mocha Uson, ang hindi pagdalo ni Binay sa mga rally at hindi aktibong pangangampanya ay dulot ng kanyang sakit, hinamon nito ang dating Pangalawang Pangulo na huwag onsehin ang taongbayan at ilantad ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan.

Ang dementia ay isang progressive disease na sa una ay hindi pansin ang sintomas na memory loss at pagiging makakalimutin ngunit habang tumatagal ay lumalala ang ganitong kondisyon.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …