HINIGITAN ni presidential candidate Ferdinand Marcos, Jr., ang botong nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections, batay sa partial/unofficial count na ginagawa ng poll watchdog Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) kagabi.
Sa pinakahuling bilang ng poll watchdog nakakuha si Marcos ng 21.7 milyong boto, higit ng limang milyong boto na nakuha ni Duterte noong 2016 elections.
Matatandang si Duterte ay nakakuha ng mahigit 16 milyong boto noong 2016 elections.
Sinabing ang bilang ay kumakatawan sa 66.1% o 71,242 kabuuang bilang ng cluster precincts ma nabilang sa pagsasara dakong 7:00 p.m.
Kabuntot ni Marcos ang mahigpit na karibal na si Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 10.2 milyong boto.
Pumangatlo si Senador Manny Pacquiao sa nakuhang 1.9 milyong boto, kasunod si Manila City mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na may 1.4 milyong boto.
Panglima si Lacson na may 670,000 boto.
Ang running mate ni Marcos, Jr., ang anak na babae ni Duterte, si Davao City mayor Sara Duterte-Carpio, ay nakakuha ng 21.3 milyong boto.
Enendoso ni Pangulong Duterte ang kanyang anak na si Sara para sa May 9 elections ngunit hindi si Marcos, na tinawag niyang “spoiled child” at “weak leader.”
Ngunit habang papalapit ang eleksiyon, unti-unting ‘lumambot’ si Duterte kay Marcos, Jr., hanggang sabihin na walang ‘ill-gotten wealth’ na nag-uugnay sa pamilya Marcos.