Tuesday , December 24 2024
Risa Hontiveros

Pharmally witness ‘nakatatanggap ng pananakot’ sa kampo Hontiveros

ISA PANG dating Pharmally Pharmaceutical Corporation (PPC) warehouse staff ang nagbigay ng kanyang sworn statement na naglalahad ng ginawang panunuhol at pagbabanta sa kanya ng Office of Senator Rissa Hontiveros sa pamamagitan ng abogadong si Atty. Jaye Bekema, kaugnay ng naging imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon sa testigong si Mark Clarence Manalo nagdesisyon siyang  magbigay ng sworn statement dahil hanggang sa kasalukuyan ay patuloy siyang nakatatanggap ng pananakot gaya ng nakikitang mga sasakyan at motorsiklo na umaaligid sa kanilang bahay at ilang report ng kanyang mga kapitbahay na may mga lalaking naghahanap sa kanyang kapatid na si Veejay.

Matatandang testigo ni Hontiveros sa Senate hearing kaugnay sa anomalya sa  pagbili ng pandemic materials ng PPC ngunit kalaunan ay binawi ang kanyang testimonya at sinabing pinilit at sinuhuan lamang siya.

Aminado si Manalo, bagamat noong nakaraang taon pa natapos ang pagdinig ng Senado sa PPC ay natatakot pa rin sya sa kaligtasan niya at ng kanyang kapatid lalo pa’t nakabinbin sa Office of the Ombudsman ang inihain nitong kasong conspiring to commit sedition, subornation of perjury, offering false evidence, paglabag sa code of conduct laban kay Hontiveros at mga staff nito.

Una nang inamin ni Manalo na si Veejay ang unang nilapitan ni Atty. Bekema at ang driver ni Hontiveros na si Ryan Lazo,  nakita umano niya ang ‘P20,000 bribe money’ na iniabot sa kanyang kapatid at pagkaraan ay nagpaalam ang kapatid na aalis at pansamantalang tutuloy sa isang safehouse.        

Ikinagulat niya ang sumunud na pangyayari dahil nasa telebisyon na si Veejay at nag-aakusa sa PPC. Sinabi ni Manalo, bilang warehouse staff din ng PPC ay alam niyang pawang walang katotohanan ang isiniwalat ng kapatid sa pagdinig ng Senado kaya naman napilitan siyang magtungo sa Citizens Crime Watch (CCW) para itanggi ang mga nasabi ng kapatid.

Ani Manalo, noong Oktubre ay umamin ang kanyang kapatid sa kanilang pamilya na tinanggap niya ang suhol para sa 4-anyos anak na may sakit, kalaunan, maging sya ay tinangka na rin suhulan ngunit tumanggi siyang, dahilan kung bakit siya naghain ng kaso laban sa kampo ni Hontiveros sa Ombudsman noong Nobyembre 2021.

Inamin niyang mula Enero ngayong taon ay marami pa rin scare tactics na ginagawa ang kampo ni Hontiveros sa kanilang pamilya. Ito ay kasunod ng pilit nilang pagtanggi sa pakiusap ni Atty. Bekema na i-]withdraw nila ang kanilang inihaing kaso.

“Sa pag-uusap namin ni Atty. Bekema, sinabi niyang nagsampa sila ng kaso laban kay Veejay at kung hindi ko babawiin ang aking salaysay ay magsasampa na rin sila ng kaso sa akin, noong tanggihan ko ang pakiusap nila ay hindi pa rin sila tumigil, bumalik ang lahat ng aking pangamba at takot,” nakasaad sa kanyang salaysay.

Sinabi ni Manalo, ang kanyang pagbibigay salaysay ay para ipaalam ang nangyayari at bilang proteksiyon sa sarili sakaling mayroong mangyari sa kanya.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …