Sunday , December 22 2024
Joy Belmonte Gian Sotto

May nanalo na!
QC BELMONTE-SOTTO PA RIN

 “BESO (Belmonte-Sotto) tandem” ang iiral na boto ng mga Quezon Citizens ayon sa HKPH- Public Opinion and Research Center at Asia Research Center ngayong araw ng halalan 9 Mayo 2022.

Hindi lamang sa pagtaya ng HKPH ang resultang ito, kung di maging ang resulta ng  RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD) research and survey, si Mayor Joy Belmonte ang uupong muli na mayor at siguradong panalo.

At si Vice Mayor Gian Sotto naman ay mananatiling Quezon City Vice Mayor pagkatapos ng eleksiyon 2022.

Lumalabas sa dalawang survey, buo na ang desisyon at nakapagpasya ang mga botante sa Quezon City na ang team “BeSo” pa rin ang kanilang iboboto at ipapanalo, upang magpatuloy ang magandang serbisyo-publiko ng mga dati nang nanunukulang lokal na opisyal ng lungsod na kabilang sa SBP o Serbisyo sa Bayan Party.

Sa pinakahuling HKPH survey, 63 percent ng mga botante ang naghayag na ang iboboto nila ay ang “BeSo” tandem. Samantala, ang sa RPMD survey naman ay 65 percent ang score ng Belmonte-Sotto team.

Malinaw na kahit umistilo ng iba’t ibang paraan ng pagmimili ng boto ang tambalan nina Anakalusugan Partylist Congressman Mike Defensor at Winnie Castelo, nitong mga nagdaang huling araw, ilalampaso sila ng Belmonte-Sotto tandem.

Sinamantala ng dalawa ang malaking rally para sa ‘miting de avance’ ng kanilang presidentiable nitong nakaraang Sabado at hinakot ang mga botante ng QC para dumalo, may kabayarang limang daang piso (P500) para sumama.

Nang maisakay sa mga bus ang mga nahikayat, ipinamigay ang tig-lilimang daang piso kada botante at hinikayat na iboto ang dalawa.

Ngunit nadesmaya ang mga nagsisama sa rally dahil hindi na sila binalikan ng mga bus na naghatid sa kanila, at napilitan silang magsiuwi sa pagsakay ng taxi sa kalagitnaan ng hatinggabi at gumasta ng pasaheng nagkakahalaga ng P350.

Sa panghihinayang at pagod na inabot ng mga botante, ipingdiinan nilang hinding-hindi nila iboboto sina Defensor at Castelo.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …