Monday , May 12 2025
Vietnam SEA Games

Atletang Pinoy na sasabak sa Hanoi SEA Games suportado ng PSC

HANOI—Iniangat ni  Philppine Sports Commission Commissioner Ramon Fernandez  ang kumpiyansa ng Filipino Athletes mula sa beach handball, at kickboxing sa kanilang misyon na makasungkit ng medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.

Binisita ni Fernandez, ang Team Philppines chef de mission sa laro, ang  mga Pinoy athletes para magbigay ng ‘inspirational talk’ para mag-compete sa pinakamataas na level  para sa kapakanan ng bansa.

“Our athletes have prepared well for the SEA Games, and I trust that all of them will put in their best effort to deliver those medals,’’ sabi ni  Fernandez.

Ibinigay naman ng PSC staff ang allowances ng teams at siniguro na ang sports agency ng gobyerno ay magbibigay ng assistance sa mga atleta at coaches na kinakailangan.

Dumating din sa Hanoi ang men’s football team.   Ang teams mula sa women’s football, kurash/judo, rowing , at diving ay dumating na rin nung Biyernes, anim na araw bago ang opening ceremony sa Hanoi, Vietnam Games sa May 12.

PInopondohan ng PSC ang kabuuang partisipasyon ng 879-strong Philippine delegation, kasama ang 641 athletes and 238 officials na may misyong makasungkit ng malaking bahagi ng gintong medalya na nakataya sa 39 ng 40 sports  sa SEA Games program.

 Ang Team Philippines ang defending overall champion ng 11-nation sportsfest sa  2019  SEA Games na ang bansa ang siyang naging host. Sumungkit tayo sa nasabing kompetisyon ng 149 gold meadals, 117 silvers, at 121 bronzes para mapasaatin ang second overall title pagkaraang tayo rin ang nagkempeon noong 2005 Manila.

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …