Friday , November 15 2024
Pitmaster Foundation Inc dialysis

50K dialysis patients, apektado sa pagsara ng e-sabong

MAHIGIT sa 50,000 dialysis patients na tinutulungan ng Pitmaster Foundation ang apektado sa pagsasara ng operasyon ng e-sabong sa bansa.

Ayon kay Atty. Caroline Cruz, director ng Pitmaster Foundation, kinukuha nila ang kanilang pondo sa Pitmaster Live na pinangtutustos o ipinangtutulong sa pagpapa-dialysis  sa mga pasyente na lumalapit sa kanila.

 “We get our funding from pitmaster live to pay for the dialysis of these patients.” ani Cruz.

Sa ngayon ay humihingi ng paumanhin si Cruz sa mga bagong lumalapit sa kanila  na pansamantalang tigil muna ang kanilang pagtulong habang inaayos ng pamahalaan ang mga regulasyon at alituntunin sa e-sabong.

Tiniyak ni Cruz na babayaran ang lahat ng medical institutions at facilities na nilapitan ng mga pasyente ng Pitmaster Foundation para magpagamot bago ipasara ang nasabing laro.

Sinabi ni Cruz, mahigpit ang utos ng kanilang Chairman na si Charlie “Atong” Ang na bayaran agad ang mga ospital at dialysis center na tumanggap ng letter of guarantee nitong mga nagdaang linggo.

Pahayag ni Atty. Cruz sa mga napangakuan ng Pitmaster Foundation na mga pasyente, tutulungan at mga local government units na napangakuan nila na bibigyan ng ambulansiya ay itutuloy pa rin.

Hiling ni Atty.Cruz sa mga pasyente at sa mga humihingi sa kanila ng tulong, na magdasal na maaprobahan agad ang mga regulasyon at alituntunin na ilalatag ng PAGCOR at iba pang ahensiya ng pamahalaan para muling mabuksan ang e-sabong sa bansa.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …