Saturday , November 16 2024
Mocha Uson Jejomar Binay

Ex-VP Binay hinamon sa live interview para patunayang hindi nakakaranas ng dementia

HINAMON ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson si senatorial candidate Jejomar Binay na magsagawa ng live interview upang ipakita sa publiko na malusog siya at hindi nakakaranas ng dementia o memory loss.

Ang hamon ay ginawa ni Uson kasabay ng pagmamaliit sa ipinalabas na pre-recorded video ng kampo ni Binay para kontrahin ang inihain niyang manifestation sa Commission on Elections (Comelec) na humihiling na suriin ang mental capability ni Binay.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Binay ukol sa isyu at tanging ang kanyang tagapagsalita na si Joey Salgado ang nagbibigay ng pahayag.      

Sinabi ni Uson, madaling gawin ang isang Facebook live kung totoong hindi pa nakakaranas ng memory gap si Binay sa edad 79-anyos.

“Hindi na siya nakikita, wala siyang dinalohan na campaign rallies sa loob ng dalawang buwang campaign period tapos ang magsasalita pa sa kanya ay ang kanyang spokesperson, hindi po ba dapat na si Ex VP Binay ang magsalita rito at patotohanan na siya ay healthy, ‘yun lang naman ang gusto natin, na maayos ang kanyang kalusugan,” paliwanag ni Uson sa isang panayam sa Cebu City.

Nanindigan si Uson na reliable ang mga nagbigay sa kanya ng impormayon ukol sa tunay na kalagayan ni Binay, aniya, nagpasaklolo siya sa Comelec dahil hindi pa huli ang lahat para maliwanagan ang mga botante.

“Sana ay magpakatotoo na lang sila, huwag nilang onsehin ang taongbayan sa pamamagitan ng pagtatago sa tunay na estado ni Ex-VP Binay,” dagdag ni Uson.

Ani Uson, bilang mambabatas, kailangang sharp pa rin ang isipan lalo at maraming debate sa Senado at kung hindi ito magagampanan ni Binay sakaling ma-elect bilang senador sa darating na eleksiyon ay isa itong grave injustice sa taongbayan.

Ang dementia ay isang physical change na nangyayari sa utak ng isang tao, isa itong progressive disease na maaaring sa una ay mild lamang na hindi mapapansin, unang sintomas nito ay pagiging makakalimutin at pagkalito na tumatagal ng 2 taon at pagkaraan ay maaaring lumala.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …