Wednesday , April 16 2025

Niigata iniangat ni Kobe Paras sa panalo

MANILA, Philippines—tinulungan ni Pinoy Kobe Paras ang opensa ng Niigata Albirex BB para matuldukan ang kanilang  14-game skid nang talunin nila ang Osaka Evessa, 73-66 sa pagpapatuloy ng Japan B.League nung Miyerkules sa Ikeda City  Satsukiyama Gymnasium.

Kumana si Paras ng 10 puntos kasama dun ang dalawang three-pointers, limang rebounds, at dalawang assists para prenuhan nila ang kamalasan at mag-imprub ang kanilang karta sa 6-44.

Si Yuto Nohmi ang nanguna sa iskoring para sa Niigata na may limang triples para sa kabuuang 19 puntos, eight assists, four rebounds at two steals.   Nag-ambag si Zen Endo ng 16 puntos at siyam na rebounds galing sa bench, samantalang si Jeff Ayres ay may 14 puntos, 24 boards at apat na butata.

Sa ibang laro ng Pinoy,  nanalo ang Nagoya, ang team ni Bobby Ray Parks Jr laban sa team ni Kiefer Ravena na Shiga, 79.77.

Sa ikatlong pagkakataon ay hindi nakalaro si Parks Jr. dahil sa injury.

Si Tatsuya ang naging hero sa panalo ng Nagoya nang ipasok niya ang isang floater sa final minute para tumapos ng 10 puntos para matabunan ang 19 puntos na ginawa ni Ravena para sa Shiga.

May karta ngayong 33-14 ang Nagoya.

Si Ravena ang  siyang nagdala sa Shiga, bukod sa 19 puntos, nag-isyu siya ng walong assists, four rebounds at four steals.  Bumagsak ang kanilang karta sa 14-41.

Natalo rin ang team ni Thirdy Ravena na San-En Neo Phoenix sa Levanga Hokkaido, 97-89.

Ang batang Ravena ay gumawa ng 12 puntos, dalawang rebounds, dalawang  assists at  dalawang steals..

About hataw tabloid

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

ArenaPlus PBA TNT 1

ArenaPlus Celebrates with the PBA Season 49 Commissioner’s Cup Champions

Photo courtesy of PBA: Katropas poses together with their fans during their victory party ArenaPlus, …

ArenaPlus Thompson Abarientos Brownlee 6

ArenaPlus announces Thompson, Abarientos, and Brownlee as brand endorsers

MANILA, PHILIPPINES – ArenaPlus, the 24/7 sports entertainment gateway in the Philippines, proudly welcomed its …