Halos magkapareho sa rating sina Antique Congresswoman Loren Legarda at dating brodkaster na si Raffy Tulfo sa tuktok ng pinakabagong Pulse Asia survey na ginanap noong Abril 16 hanggang 21.
Hindi nalalayo sina Legarda at Tulfo, na nakakuha ng 49.5% at 50.4%, kaya naman sila ang nagtutungali ngayun sa pamamayagpag sa Senatorial Preference Survey.
Sumunod sa dalawa ang aktor na si Robin Padilla (42.9%), Taguig-Pateros Congressman Alan Peter Cayetano (42.3%), Sorsogon Governor Chiz Escudero (38.6%), at Senador Win Gatchalian (37%).
Pasok rin sa Magic 12 sina Senador Miguel Zubiri, dating Kalihim ng DPWH na si Mark Villar, former Senador JV Ejercito, dating Bise Presidente Jojo Binay, Senador Risa Hontiveros, at dating Senador Jinggoy Estrada.
Ang survey ay hango mula sa mga 95% ng mga respondent na nagbigay ng mga lehitimo at balidong sagot sa kanilang mga napili para sa Senado.
Si Legarda ay nanatiling nasa tuktok ng mga survey. Siya’y kilala bilang isang kampeon para sa kalikasan, kabuhayan, at sa karapatan ng mga kabataan at kababaihan. Kasalukuyang umiikot pa rin si Legarda bansa nitong mga huling araw ng pagkakampanya.