Sunday , December 22 2024
Leni Robredo

CALABARZON TODO-SUPORTA KAY LENI ROBREDO
Congressmen, local officials, inendoso si VP Leni bilang Pangulo

DAAN-DAANG libong mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo ang dumalo sa kanyang mga people’s rally sa Laguna, Cavite, at Batangas nitong mga nakaraang araw – patunay na napakalakas ng kanyang kampanya sa pagka-Pangulo ilang araw bago ang May 9 national elections.

Ang lahat ng mga tao – kasama ang mga naglalakihang artista – ay nanindigan na hindi sila bayad para dumalo sa mga rally.

Sa katunayan, ang kanilang mga kongresista at iba pang local leaders ay nanguna sa pag-endoso kay Robredo bilang susunod na Pangulo ng bansa.

Ayon mismo sa Commission on Elections (Comelec), ang Region 4-A CALABARZON – Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon – ay ang rehiyon na may pinakamaraming nakarehistrong botante.

Sa datos ng Comelec, mayroon 9,193,096 botante sa CALABARZON.

Si Congresswoman Sol Aragones ng ikatlong distrito ng Laguna, inianunsiyo ang kanyang suporta para kay Robredo noong grand rally sa Sta. Rosa noong 29 Abril 2022.

Higit sa 225,000 katao ang dumalo sa “Tanglaw Laguna Rally,” isa sa mga pinakamalaking people’s rally ni Robredo.

Parehong mga bagong kongresista sina Robredo at Aragones noon kaya sila ay naging magkaibigan. Pangako ni Aragones na ngayong tumatakbo bilang Pangulo si Robredo, hindi niya pababayaan ang dating kapwa kongresista.

“Malalim na ang ating pagkakaibigan. At sa pinakamahirap na punto ng ating buhay at ng ating laban, gusto kong malaman mo, gusto ko pong malaman ninyo, nandito ang iyong kaibigan, hindi kita pababayaan…. Ang aking dasal sa bawat gabi, sana sabay nating maitawid ang labang ito,” pahayag ni Aragones na tumatakbong gobernador ng Laguna.

Si Congressman Dan Fernandez ng unang distrito ng Laguna ay umakyat din ng entablado para iendoso si Robredo sa harap ng daan-daan niyang mga kababayan.

“Kung noong 2016 vice presidential election, ang Leni Robredo lamang sa eleksiyon, sa 2022 presidential election, ang Leni Robredo lamang sa 2022,” ani Fernandez.

Bukod kina Aragones at Fernandez, dumalo rin sa people’s rally sina dating Laguna governor Joey Lina, dating San Pedro Mayor Calix Cataquiz, kumakandidato pagka-San Pablo City mayor na si Amante, at dating Rizal Mayor Rolen Urriquia.

Sa Cavite, kung saan higit sa 100,000 katao ang pumuno ng New City of Dasmariñas Football Field noong Linggo, kasama ni Robredo sa entablado sina Cavite 3rd District Congressman Alex Advincula, Cavite 4th District Congressman Pidi Barzaga, Jr., at ang kanyang misis na si Dasmariñas City Mayor Jenny Austria – Barzaga.

“Tayong Caviteño, laging nagmamalaki. Sinasabi natin na ating lalawigan ay lalawigan ng matatapang, sapagkat ang Cavite ay isa sa walong lalawigan na naghimagsik noong panahon ng Kastila…ipinapaalala na ang kasarinlan o kalayaan ay ipinanganak sa ating lalawigan,” ani Barzaga sa “Banyuhay’ Caviteño, Ipanalo Na10 ‘to!” grand people’s rally.

Dagdag niya: “Ngayon, tumitindig na naman tayo para sa demokrasya, at higit sa lahat, para sa magandang kinabukasan ng ating mga mamamayan, lalong lalo sa ating mga kabataan.”

Mga barako naman sa Batangas ang nag-endoso kay Robredo na higit sa 280,000 ang dumalo sa “Barako para kay Leni-Kiko” grand people’s rally na ginanap sa Bauan, Batangas noong 30 Abril.

Dito ay inendoso ni Batangas 2nd District Congressman Raneo “Ranie” Abu si Robredo.

Sa kanyang pagpapakilala kay Robredo sa entablado, pinaalala ni Abu sa kanyang mga kababayang Batangueño, may kasabihan sila na “maubos na ang yaman, ‘wag lang ang yabang.”

“Pero ngayong gabing ito, hindi yabang ang dami ng Batangueño para kay Leni Robredo!” sabi ni Abu. “Ngayong gabing ito, hindi yabang ang mga naniniwala sa isang gobyernong tapat at sa isang gobyernong masasandigan ng bawat isang Batangueño. Isang gobyerno na magbibigay liwanag sa kadiliman na nangyayari sa ating bansa ngayon na dulot ng sari-saring problema.”

“Batangueño, ito ang gabi na ang bawat isa sa atin ang magsisindi ng ningas, ningas na magbibigay ng liwanag hindi lang sa Batangas, kung hindi sa buong Filipinas,” pahayag ni Abu. (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …