KAPWA nanguna sina Vice President Leni Robredo at running mate nito na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa Google Trends para sa mga kandidato bilang pangulo at bise presidente.
Sa datos ng Google Trends, nakakuha si Robredo ng 57 porsiyento kompara sa 23 porsiyento ni Ferdinand Marcos, Jr.
Sa parte ni Pangilinan, lumaki ang lamang niya sa mga katunggaling sina Davao City Mayor Sara Duterte at Senate President Tito Sotto. Sa ngayon, mayroong 47 porsiyento si Pangilinan kompara sa 38 porsiyento ni Duterte at 11 porsiyento ni Sotto.
Batay sa Google Trends, taglay ng tambalang Leni-Kiko ang momentum kasunod ng malalaking rally sa Pampanga, Cebu, Nueva Eciija, Laguna, at Batangas.
Sinabayan ito ng endorsement ng ilang malalaking artista tulad nina Nadine Lustre, Angel Locsin, Piolo Pascual, John Arcilla, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Liza Soberano, Julia Barretto, Kim Chiu, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Jolina Magdangal, Nikki Valdez, Cherry Pie Picache, Maricel Soriano, Gary Valenciano, Gab Valenciano, Janno Gibbs, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Carla Abellana, Pokwang, Andrea Brillantes, at iba pa.
Pati mga sikat na banda at mang-aawit gaya ng Ben&Ben, Rivermaya, Itchyworms, Apo Hiking Society, The Company, Curtismith, Mayonnaise, Gracenote, Ebe Dancel, Johnoy Danao, Jonalyn Viray, K Brosas, at Tippy Dos Santos, at marami pang iba.
Kompara sa ground surveys, itinuturing ang Google Trends na mas tumpak na sukatan pagdating sa prediksiyon ng mga mananalo sa halalan.
Matagumpay na natukoy ng Google Trends ang mga nanalo sa mga nakalipas na halalan sa Estados Unidos mula noong 2004.
Nahulaan din ng Google Trends ang mga nanalo sa mga nakalipas na eleksiyon sa Brazil, Pakistan, Malaysia, at France.