PANAUHIN si Ricky Hatton sa Talk Sport kahapon, at ang dating 140-pound king ay isiniwalat ang kanyang pagbabalik sa ring laban kay Mexican great Marco Antonio Barrera
Ang paghaharap ng dalawa sa isang ‘exhibition bout’ ay mangyayari sa Manchester sa July 2. Kasalukuyan nang nag-eensayo si Hatton at sinabi nitong magbabakbakan sila ni Barrera sa loob ng walong rounds.
Isang katanungan na nagmula mga fans ni Hatton kung bakit ang isang 43-year-old ay kailangan pang bumalik sa ring? Simple lang ang kasagutan ng Briton: “It will be for fun and for the purposes of uplifting people, that there will be no full-on or ‘real’ comeback.”
“If your heroes are going to make a comeback or do an exhibition, you don’t want to see them get hurt and no one is going to see that,” pahayag ni Hatton tungkol sa pagbabalik niya sa July . “It will be competitive because I’m not having anyone come to Manchester and stand me on my head and I’m sure he won’t want to have that done to him. But, that’s where people don’t need to see people get hurt. People have said to me, ‘Ricky, why are you doing it? We don’t want to see you get hurt.’ Trust me, have faith in The Hitman, you won’t see me get hurt.”
Sinabi ni Hatton na magkakaroon ng malaking ‘party’ sa July 2, may ipipresenta sila na ‘musical acts’ at may maglalaban na MMA fighters. Ang pagbababalik niya ay tinaguriang “The Hitman Rises.”
Ang event ay handang-handa na at naipadala na ang tiket sa mga ticket booth. Hindi mapapasubalian na ‘crowd drawer’ si Hatton, dinadagsa ng kanyang mga fans at supporters ang bawat laban niya. At ang mga sigawan ang pagbubunyi nila ang kinasabikan ng The Hitman. Ang kanilang pagtsi-cheer ay nakakapagbigay ng inspirasyon at iyon ang dahilan kung bakit magbabalik siya sa ring.
Nasa magandang kundisyon si Barrera at sinabi ni Hatton na nasa kasagsagan na rin ng training ang kanyang makakatunggali. Bagama’t parehong hangad nila na walang masaktan sa nasabing exhibition fight, ayaw naman pareho nilang mapahiya sa harap ng kanilang fans kaya tiyak na magpapasikat ang dalawang fighters para mabigyan ng kasiyahan ang kani-kanilang fans.