Sunday , December 22 2024
Onyx Crisologo Mike Defensor Rodante Marcoleta

QC voters: Defensor at Crisologo dapat sumunod na kay Marcoleta

PINAGRERESIGN na rin ng mga botante ng Quezon City si Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor at First District Representative Onyx Crisologo sa kanilang paghahangad na tumakbo bilang Mayor at Congressman ng lungsod at gayahin na lang ang ginawa ni SAGIP Partyist Representative Rodante Marcoleta na umatras na sa kanyang pagtakbo bilang senador.

“Tulad ni Marcoleta, hindi rin maganda ang kanilang rating. At gaya ni Marcoleta marami na silang sablay, kasama sila ni Marcoleta sa pagpapasara sa ABS-CBN at iba pang mga anomalya sa Kongreso. Alam ng mga taga-QC ang mga ito. Sayang lang ang magiging pagod at pera nila,” ang sabi ni Cora Sevilla, taga-pagsalita ng Inisang Samahang Aasahan (ISA), pinaka-malaking organisasyon ng iba’t-ibang samahan sa District 1.

Matatandaang ‘nag-resign’ si Marcoleta sa paglakandidato bilang senador noong nakaraang linggo matapos mapagtanto nito na Wala siyang ikapapanalo.

Ang number 1 choice na senatorial candidate ng tambalang BBM-SARA, na si Marcoleta, ay wala man lang sa listahan ng “magic 12” sa mga iniulat na mga survey at kahulihang survey ay ipinakitang pang-26 ang Kongresista sa listahan.

“Mas-mainam na gayahin na nila Defensor at Crisologo at ng kanilang mga kamag-anak pang nagsisipag-takbo dito sa Quezon City ang ginawa ni Marcoleta,” dagdag pa ni Sevilla.

Sa mga huling survey sa lungsod, malayong nalalamangan ng kanilang mga katunggali sa pwesto ng pagka-Mayor at Congressman ang dalawa.

Si Defensor ay may 30 porsiyento lamang ng mga botante na pabor sa kanya, laban sa 68 porsiyentong nagtitiwala pa rin Kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Samantalang si Crisologo naman, bagamat halos dikit sa laban kay Arjo Atayde ay may tatak din ng pagsasara sa ABS-CBN, ang number 1 TV station na pinapanood ng maraming taga-Quezon City.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …