Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Denise Esteban

Denise Esteban kayang tapatan sina AJ, Angeli 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Denise Esteban na nagulat siya nang bigyang ng lead role ng Viva sa pamamagitan ng Doblado. Bago ang Doblado napanood na si Denise sa Kaliwaan nina AJ Raval at Vince Rillon.

Kasama ni Denise sa Doblado sina  Josef Elizalde, Stephanie Raz, Kat Dovey, Mark Athony Fernande, atGwen Garci na idinirehe ni GB Sampedro at mapapanood na sa Vivamax simula Mayo 6.

“Noong una, nang ibinigay sa akin ito (Doblado), nagulat din ako na bida po agad ‘yung naibigay na role sa akin. And na-pressure rin ako kung kaya kong tapatan ‘yung mga nauna sa akin. Natatakot ako, baka hindi ko magawa nang tama. 

“Since ako ‘yung bida rito, parang ako ‘yung titingnan talaga. Medyo natakot po ako,” pag-amin ni Denise sa digital mediacon ng Doblado.

Pero nang napanood na niya ang mga eksena niya ay nawala na ang takot dahil nakaya naman pala niya.

Tiwala si Denise na kaya niyang tapatan ang mga Reyna ng Vivamax tulad ni AJ RavalAngeli Khang.

“Kaya naman po, kaya naman. Siguro, matatapatan ko rin sila since maganda itong story ng movie na ginawa namin,” kompiyansang tugon niya.

Dating miyembro si Denise ng girl-group na P-Pop Generation na alaga ng Viva Artists Agency. Hanggang sa napansin ng Viva ang kanyang mga sexy photo at tinanong siya kung gustong magpa-sexy.

Mahilig po kasi akong mag-post ng naka-bikini. So, napansin ng Viva ‘yun and inalok po nila ako kung gusto kong magpa-sexy. So, ‘yun, tinanggap ko po,” ani Denise.

Ang Doblado ay kuwento ni Jaira (Denise), isang college student na nasa early 20s – maganda, maayos manamit, at angat ang itsura sa iba. Pero sa likod ng kanyang pagiging Maria Clara, ay ang lihim na pinakatatago-tago niya, estudyante siya sa umaga, pero isa siyang part-time high-class prostitute sa gabi. Bilang high-class prostitute, ang tinatanggap lang niyang mga kliyente ay mga VIP mula sa isang private na website. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …