Sunday , December 22 2024
Chel Diokno

Chel Diokno binansagang ‘pambansang chicken’ kandidatong ayaw sumipot sa debate

TINAWAG ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na ‘pambansang chicken’ ang isang kandidato na ayaw sumipot sa mga debate.

Hindi man nagbanggit ng pangalan, tanging si Ferdinand Marcos, Jr., lang ang tanging kandidato sa pagkapangulo ang hindi humaharap sa debate.

Tumanggi si Marcos sa imbitasyon na one-on-one debate ni Vice President at kapwa presidential aspirant Leni Robredo.

“Sabi nila ‘pambansang chicken’ daw ‘yung ayaw sumipot sa debate. Pero buti pa ang chicken, sinusuri, kinikilatis, tinitimbang bago piliin at bilhin,” ani Diokno sa isang post sa Twitter.

Iginiit ni Diokno, ang debate ay magandang paraan upang sukatin at timbangin ang mga kandidato kung karapat-dapat ba silang makakuha ng boto ng taongbayan.

“Nagdaraos tayo ng mga debate para matimbang ang mga kandidato at makita kung karapat-dapat ba sila sa boto natin. Sana kung gaano tayo kapihikan sa manok na binibili sa palengke, ganoon din sa manok natin sa eleksiyon,” ani Diokno.

Sa isang hiwalay na social media post, sinabi ni Diokno, kung sa debate ay takot na ang isang kandidato sa pagkapangulo, paano pa kung naharap na siya sa mabibigat na problema ng bansa.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …