Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buntis na misis tumangging makipagtalik
MISTER HUBO’T HUBAD, IPINAGHAMPASAN SA SEMENTADONG KALSADA 7-ANYOS ANAK

ni EDWIN MORENO

PATAY ang 7-anyos batang lalaki nang ihataw sa sementadong kalsada ng lalaking hubo’t hubad, sinabing ama ng biktima, inilarawang tila sinaniban ng demonyo nang ipaghampasan ang sariling anak, sa Rodriguez (Montalban), Rizal kahapon.

Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino, Pipo Jr., hepe ng pulisya ang suspek na nadakip at ginulpi ng taong bayan na si Eraño Veraces y Salioman, 26 anyos, habang ang biktimang anak ay si Erron Veraces, 7-anyos estudyante.

Sa reklamo ng inang si Rodalyn, 25 anyos sa awtoridad, dakong 9:00 am, noong Linggo, 24 Abril, nangyari ang karumal-dumal na krimen sa Phase 1, Villa San Isidro, Brgy. San Isidro sa nasabing bayan.

Sa obserbasyon ng ilang bystander tila bangag sa alak o ilegal na droga ang suspek kaya parang sinaniban ng masamang espiritu o demonyo nang ipaghampasan ang anak sa sementadong kalsada.

Ayon sa pulisya, pinilit ng mister na makipagtalik kay misis ngunit tumanggi dahil buntis.

Kasunod nito, nagulat ang buong komunidad nang makitang ipinaghahampasan ng ama ang sariling anak sa sementadong kalsada.

Naisugod ang biktima sa medical clinic ngunit inilipat ito sa Ynares Hospital dahil sa mga grabeng pinsala ngunit binawian ng buhay.

Bugbog sarado ang suspek sa gulpi ng taongbayan bago isinuko sa awtoridad at natakdang sampahan ng kasong Parricide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …