NANAWAGAN muli ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa mga botante na “huwag iboto” ang mga mambabatas na nagpasara sa ABS-CBN.
“This elections, never forget those who voted against the renewal of ABS-CBN franchise,” ang pahayag ng NUJP na ibinahagi ng grupo sa kanilang social media account.
“Three of them are running for government posts in Quezon City: Mike Defensor, Anthony Peter Crisologo and Precious Castelo,” dagdag ng NUJP.
“Zero vote to Mike Defensor, Anthony Peter Crisologo and Precious Castelo, who voted to kill the ABS-CBN franchise,” ang nakalagay sa kanilang Facebook account.
Dagdag ng NUJP, ang mga nasabing mambabatas ang nanguna upang hindi na mabigyan ng prankisa ang TV station. Ito raw ay paglabag sa Broadcast Code of the Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas, na sinasabi sa Article 1, Sec. 2 “News shall be part of a station’s daily programming. No less than 30 minutes of daily programming should be devoted to news.”
Si Jonathan de Santos, NUJP chair ay nagpaliwanag din na mahigit 4,000 manggagawa ang nawalan ng trabaho sa pagkakasara ng station. Kaya nararapat suklian ang mga ginawa ng mga nasabing mambabatas.
Si University of the Philippines (UP) professor Jean Encinas Franco sa kabilang banda ay nagsabi na mas marami pang manggagawa at maging mga negosyo sa loob ng ABS-CBN compound ang nadamay sa pagpapasara ng TV station.
Ang Facebook post ng NUJP ay umabot sa 9,000 views at mga comments at patuloy pang dumarami.
“This is our time to get back to those monsters/no conscience candidates who doesn’t have a heart for the 11,000 employees of ABS CBN, zero vote for them!” ang comment ni Estela Andrade, isa sa netizens na nakabasa ng NUJP post.