Tuesday , December 24 2024

Kasong kriminal isinampa
GLOBALTECH VS QCPD DD, ATBP

042522 Hataw Frontpage

KASONG KRIMINAL ang isinampasa City Prosecutor’s Office laban kay Quezon City Police District Director (QCPD) P/BGen. Remus Medina at lima pang opisyal nito matapos balewalain ang umiiral na kautusan ng korte para sa patuloy na operasyon ng Peryahan ng Bayan – Globaltech Mobile Online Corporation.

Batay sa reklamong kriminal na inihain ni Atty. Bernard Vitriolo, vice president for Legal Affairs ng Globaltech, nahaharap sa mga kasong coercion, threat at intimidation si QCPD DD Remus, gayondin sina P/Col. Fernando Ortega, P/Col. Ellezar Matta, P/Col. Redrico Maranan, P/Col. Olazo at P/Lt. Melgar Devaras.

Sa kasong isinampa noong 21 Abril, binigyang diin ng Globaltech ang direktang paglabag ni Remus sa karapatan ng kompanya na ipagpatuloy ang operasyon nito na ginagarantiyahan ng status quo ante order na iniutos ni Presiding Judge Nicanor A. Manalo, Jr., ng Pasig Regional Trial Court Branch 161 noong 17 Mayo 2016.

Batay sa rekord, ang naturang kautusan ay kinatigan din ng Court of Appeals matapos utusan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na patuloy na magpadala ng opisyal na kinatawan para sa PNB draw ng Globaltech.

Matatandaan, batay sa CA – G.R. SP No. 151727 at CA – G.R. SP No. 154056 noong 14 Enero 2019, nabigo ang petition for certiorari na inihain ng PCSO upang kanselahin ang operasyon ng Globaltech at unanimous na kinatigan ng Court of Appeals ang inilabas na status quo ante order ng Pasig RTC.

Bukod dito, kamakailan lamang, maging ang Office of the City Attorney ng lungsod Quezon ay nagbigay na rin ng opinyon na nararapat kilalanin ng Globaltech at PCSO ang umiiral na status quo ante order hangga’t walang resulta ang kanilang arbitration proceedings.

Idinagdag ng Globaltech, hindi kinilala ng puwersa ng pulisya ang utos ng korte sa ginawa nitong pagpasok at pagpapasara sa Peryahan ng Bayan ng Globaltech sa Timog, Quezon City noong 19 Abril 2022.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …