NANGANGANIB na matanggalan ng titulo ang three-division titlist na si WBO bantamweight champion John Riel Casimero dahil sa paggamit niya sa sauna bago pa ang nakatakdang laban nila ng mandatory challenger na si Paul Butler sa Biyernes sa Liverpool.
Hindi na papayagan pa na umakyat sa ring si Casimero pagkaraan niyang labagin ang British Boxing Board of Control (BBBoC) medical guidelines. Istriktong ipinatutupag ng BBBoC ang pagbabawal sa paggamit ng saunas para magbawas ng timbang bago ang laban.
“The British Boxing Board of Control has been made aware (with supporting evidence) that Mr. Casimero has made use of a sauna in close proximity to his World Boxing Organization Championship contest on 22nd April 2022 in Liverpool,” pahayag ni Robert Smith, general secretary of BBBoC sa kanyang sulat sa dalawang maghaharap na kampo para sa weekend’s main event. Ang kopya ay nakuha ng BoxingScene.com. “As you are aware, this is against BBBoC’s medical guidelines and therefore we can’t permit him to compete in the proposed contest on Friday.”
Puwersado si Casimero (31-4, 21 KOs) na mawala sa eksena laban kay Butler sa ikalawang pagkakataon sa loob ng apat na buwan. Matatandaan na hindi natuloy ang una sana nilang paghaharap sa isyu rin ng timbang. Pinadalhan muli ng Show Cause letter ang Pinoy boxer ng WBO para bigyan siya ng pagkakataong magsalita para hindi siya matanggalaan ng korona.
“Please be advised that on Tuesday, April 19, 2022, the WBO confirmed receipt of email correspondence from the British Boxing Board of Control (BBBofC) advising that supporting evidence was provided to the “BBBofC” regarding John Riel Casimero using a sauna in proximity to his scheduled WBO Bantamweight Mandatory Championship Contest against Paul Butler on Friday, April 22, 2022, at the Echo Arena, Liverpool, England, United Kingdom,” pahayag ni Luis Batista-Salas, chairman ng WBO Championship Committee sa kanyang sulat na naka-addressed kay Egis Klimas, manager ni Casimero. “Per the British Boxing Board of Control, Casimero’s actions are against the Board’s medical guidelines and therefore, he will not be permitted to compete accordingly.
“Therefore, considering the foregoing determination by the “BBBofC,” the relevant conditions stated in this Committee’s “Resolutions,” and the facts stated herein, Casimero is hereby ordered to “Show Cause” within the next 48 hours as to why the “WBO” Bantamweight Championship Title shall not be declared “Vacant.”
Matatandaan na nalagay din sa parehong sitwasyon si Casimero noong Disyembre 11 nang mag-withdraw siya sa kanyang title defense laban kay Butler sa Dubai dahil nadale siya ng gastritis.
Kailangang mapresenta si Casimero ng balidong rason sa huli niyang aksiyon at kung hindi katanggap-tanggap ang dahilan niya ay tuluyan nang mawawala sa kanya ang titulo bilang kampeon ng WBA bantamweight.
Samantala, nananatili naman nasa kontensiyon sa laban si Butler. Ayon sa BoxingScene.com, posibleng pumalit sa laban ang isa pang Pinoy boxer na si Jonas Sultan na siyang No. 3 sa WBO rankings. Pero kailangan pa ng basbas ng WBO ang posibleng laban pagkaraang matapos ang 48-hour period na ibinigay nila kay Casimero para linisin ang kanyang pangalan.