Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
EJ Obiena

World no. 5 Pole Vaulter Obiena flag-bearer ng ‘Pinas sa Vietnam SEAG

MANGUNGUNA sa hanay ng mga atletang Pinoy si World No. 5 Pole Vaulter EJ Obiena bilang flag-bearer ng bansa sa pagbubukas ng 31st  Southeast Asian Games na lalarga sa MNy Diknh National Stadium sa Hanoi, Vietnam.

Unang plano ng Philippine contingent na dalawa sana ang magiging flag-bearers ng ‘Pinas kasama ni Obiena si Tokyo Olympics Gold medalist Hidilyn Diaz pero hindi pumayag ang organizer.

“There could only be one flag-bearer for each country.  We Nominated Hidilyn and EJ, but it was turned down,”   pahayag ni Philippine Olympic Pres. Rep Abraham “Bambol”  Tolentino.

Lalarga  ang Vietnam SEA Games sa Mayo 12-23  at llamado sa kani-kanilang sports sina EJ at Hidilyn na masungkit ang ginto.

Dati nang ipinahayag ni Bambol na kahit nakapiring ang mga mga ni EJ na lulundag ay paniguradong masusungkit nito ang into base na rin sa kanyang nilundag na 5.45 meters sa 2019 SEAG Games.

Bukod pa roon ay nakapagposte si EJ ng 5.93 meters sa Innsburck, Austria na  siya ngayong bagong Asian  men’s record.

Samantalang si Hidilyn ay hindi na kailangan pa ng mahabang introduction dahil world class ang binuhat niya sa Tokyo Olympics para masungkit ang gintong medalya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …