TAHASANG sinabi ni senatorial candidate, dating House Speaker at Senator Alan Peter Cayetano, kung siya ang tatanungin nais niyang ipagbawal ang E-sabong o kahit anong online gambling sa bansa, ngunit kung talagang kailangan ng pera at pagkakakitaan ng pamahalaan ay walang problema, ngunit kailangang itama ang kita ng pamahalaan.
Ayon kay Cayetano, kung ang pagbabasehan ay ang kasalukuyang kita ng pamahalaan, kitang-kita na isang tao lamang ang nakikinabang dito.
Tinukoy ni Cayetano, ang tanging kumikita ay operator/s na kontrolado ang mga ahente kaya luging-lugi ang pamahalaan.
Ikinompara ni Cayetano ang e-sabong sa lotto na ang kinikita ay talagang napupunta sa pamahalaan sa pamamagitan ng direktang buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang nagkokontrol sa mga ahente na napagkalooban ng lisensiyang mag-operate ng Lotto ay direkta sa Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO).
Tinuos ni Cayetano, sa loob ng limang taon ay kikita ang pamahalaan ng P7.68 bilyon kompara sa kinikita ng e-sabong operator na P36 bilyon na kinabibilangana ng P18 bilyon mula sa kanilang operasyon at P18 bilyon para sa siguradong kita.
Ipununto ni Cayetano, walang malalaking negosyo o negosyante sa bansa ang kayang kumita ng isang bilyong piso sa loob ng isang taon.
Dahil dito iginiit ni Cayetano, kung hindi talaga kaya tanggalin ang e-sabong ay dapat baliktarin ang sistema o pamamaraan.
Aniya, dapat ang kumikita ng P36 bilyon ay ang pamahalaan at tanging P7.68 bilyon sa operator/s.
Kaugnay nito nanawagan si Cayetano sa kanyang mga kapwa kandidato sa iba’t ibang puwesto, sa sandaling alukin sila ng ilang operator ng e-sabong kapalit ng kanilang pananahimik o pagsuporta sa sandaling sila ay manalo sa puwesto ay huwag isantabi ang kapakanan ng bayan.
Inamin ni Cayetano, noong siya ay House Speaker, mayroong nag-alok sa kanya ng malaking halaga kapalit ang pananahimik ukol sa e-sabong ngunit kanya itong tinabla.
Aminado si Cayetano, mayroong banta sa kanyang buhay ukol sa pagsasalita ngunit sanay na siya at mas malala pa noon ang ilang isyu ng korupsiyon sa pamahalaan ang kanyang inilalantad.
Ani Cayetano, pinaalalahanan din siya ng ilan niyang kaibigan na manahimik sa bantang hindi siya titigilan upang malaglag sa darating na halalan ngunit hindi siya matatakot magsalita kahit animado siyang nais niyang manalo sa darating na halalan.
Tiniyak ng kandidatong nagbabalik sa Senado, kanyang kakausaping muli ang Pangulong Rodrigo Duterte upang ipawalinag ang lahat ng kanyang pag-aaral upang maibigay ang tamang datos at impormasyon dahil ‘mukhang’ mali ang ibinibigay sa kanya ng mga nakapaligid sa kanya.
Nagbanta rin si Cayetano sa kanyang mga kabigan sa PCSO na maging maingat at pag-aralang mabuti ang kontrata o kasunduang pinasok sa mga e-sabong operator dahil maaari silang maharap sa patong-patong na kaso ng katiwalaian dahil sa naturang kontrata.
Sa huli, sinabi ni Cayetano na kawawa ang taong bayan at maliliit na mamamyan na nalululong sa naturang online gambling dahil mas masahol pa sa isang naadik sa droga. (NIÑO ACLAN)