Monday , December 23 2024
Dick Gordon

#DropGordon nagtrending sa social media

KUMALAT sa social media ang panawagang tanggalin sa lineup ng senatorial slate nina presidential candidate Leni Robredo at vice presidential aspirant Kiko Pangilinan si Senator Dick Gordon kasunod ng ilang insidente ng pagpapakita ng kabustusan sa mga campaign sortie.

Sa Robredo-Pangilinan People’s Rally sa Nueva Ecija, hindi nagustohan ng mga ‘Kakampinks’ ang inasal ni Gordon nang ipakilala niya ang senatorial slate, ani Gordon, mayroong mga abogado, incumbent senators ngunit nang ipakilala niya si dating Rep. Teddy Baguilat ay ginaya niya ang katutubong sayaw para ilarawan si Baguilat sabay tawa bandang huli.

Ayon sa ilang tweet ng netizens, hindi lang ginagaya ni Gordon si Baguilat kundi mayroong pangungutya.

Sa panig ni Baguilat sinabi nito sa isang Tweet na hindi sya na-offend sa paggaya sa kanya ni Gordon gayonman kailangan niyang turuang magsayaw ng katutubo dance na Dinuy-a ang senador.

Sa kabila nito, patuloy ang panawagan ng netizens na ilaglag ng Leni supporters si Gordon, sa ilang social media posts ay tinukoy nito ang insidente sa Surigao City na inagawan ng mikropono ni Gordon ang surrogate ni Sen. Leila de Lima sa campaign sortie na si Zena Bernardo, na siyang unang dapat magsasalita sa entablado gayondin ang baatos na estilo nito ng pagsasalita sa sorties  na palagiang may diin sa kanyang pangalang “Dick.”

Pinupuna si Gordon sa hindi pag-eendoso sa presidential bid ni Robredo bagamat dumadalo sa campaign rally ng Robredo-Pangilinan Team.

Sinabi ni Bernardo, wala pang campaign rally ng Robredo-Pangilinan tandem na dumalo si Gordon na ang kinampanya o nabanggit man lamang sa kanyang talumpati ay ang presidential bid ni Robredo.

Sa Facebook post ni Bernardo, sinabi niyang free loader ang senador na may libreng appearance lang sa stage ng “Kakampink.”

Wala pang pahayag si Gordon sa nasabing isyu.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …