Saturday , November 16 2024
Boy Palatino photo Sangkot sa carnapping, Laguna MWP arestado

Sangkot sa carnapping, Laguna MWP arestado

INIULAT ni Laguna PPO Acting Provincial Director P/Col. Cecilio Ison, Jr., kay CALABARZON PNP Regional Director, P/BGen. Antonio Yarra, ang pagkakadakip sa pampitong most wanted person (MWP) ng lalawigan sa ikinasang joint operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Biñan.

Sa kanyang ulat, nasakote ng Biñan CPS sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Jerry Corpuz, katuwang ang Regional Intelligence Division (RID) 4A – Regional Intelligence Team (RIT) Laguna/Rizal, ang suspek na kinilalang si Richard Gomez, 33 anyos, lalaki, may asawa, at residente ng Brgy. Langkiwa, sa nabanggit na lungsod.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Valenzuela RTC Branch 171 para sa paglabag sa RA 6539 o Anti-Carnapping Act of 1972 na may inirekomendang piyansang P300,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CPS si Gomez habang ipinagbibigay-alam ang pag-aresto sa court of origin.

Pahayag ni P/Col. Ison, “Pinupuri ko ang ating mga tauhan sa Biñan CPS para sa tagumpay na ito. Pipilitin namin ang mga operasyong ito upang matiyak na walang mga wanted na gumagala sa paligid.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …