Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ana emosyonal ramdam pa rin ang trauma ng pananakit ni Kit

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HIRAP mang magsalita si Ana Jalandoni sa isinagawang press conference kahapon ng hapon dahil ramdam pa ang takot at trauma sa nangyaring pambubugbog sa kanya ng dating karelasyong si Kit Thompson, nasagot naman nito ang mga ibinatong tanong sa kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila nang magtungo sila sa isang hotel sa Tagaytay noong March 17.

Hindi nga napipigilan ni Ana na maluha sa bawat tanong na ibinabato sa kanya. 

Aminado si Ana na ramdam pa rin niya ang takot at trauma na dulot ng pananakit at pananakot sa kanya ng kanyang boyfriend.

Kasama ni Ana na humarap sa entertainment press ang kanyang tatay na si Lawrence at kapatid na si Marie Jalandoni gayundin ang mga legal counsel na sa pamumuno ni Atty. Faye Singsong.

Ani Ana gusto niyang makulong si Kit nang matanong sa kanya kung ano ang gusto niyang mangyari sa dating karelasyon. Pero iginiit niyang napatawad na niya ang aktor. 

Ayon sa mga abogado ni Ana sinampahan ng two counts of violence against women, illegal detention, at frustrated homicide si Kit sa fiscal’s office sa Tagaytay.

Hindi ko deserve ‘yung nangyari sa akin. Kailangang ipaglaban ko ang sarili ko,” naiiyak at hirap magsalitang sabi ni Ana.

Bago ito, matagal bago nakapagsalita si Ana nang tanungin kung ano ang mga puwede niyang ibahagi sa nangyari sa kanila ni Kit sa Tagaytay.

Inamin ng aktres na selos ang ugat ng pananakit sa kanya ni Kit dahil feeling umano nito ay iiwan din siya  tulad ng ginawa niya sa kanyang ex-husband.

Nagpakasal si Ana sa Amerika noong 2017 subalit hindi naman nagtagal ang relasyon nila dahil nagkahiwalay at natapos din ito noong 2018.

Ibinahagi pa ni Ana na hindi ito ang unang beses na sinaktan siya ni Kit. Pinatawad lamang niya ito matapos mag-sorry ang aktor at amining mali ang ginawang pananakit sa kanya.

Kaya nang mangyari muli ang pananakit nasabi ni Ana habang naiiyak na, “Hindi ko deserve ‘yung nangyari sa akin. Kailangang ipaglaban ko ang sarili ko.”

Iginiit din ni Ana na walang third party involved sa nangyari sa kanila ni Kit kaya hindi totoo ang naglabasang tsismis na may ibang lalaki siya kaya nagwala sa galit ang boyfriend niya.

Sinabi pa ni Ana na mahal pa rin niya si Kit pero ibang usapan na ang isinampa niyang mga kaso laban dito.

At nang matanongkungsaan kinukuha ni Ana ang tapang, sinabi nitong, “Sa totoo po ang hirap talaga, kagabi lang umiiyak pa rin ako, paggising ko umiiyak pa rin ako. Pinalalakas ko lang ang loob ko kasi kailangan kong lumaban. Kailangan kong magsalita although mahirap.”

Sinabi naman ng ama ni Ana na kaya niyang mapatawad si Kit sa kabila ng ginawa nito sa kanyang anak. Pero, “nagkasala ‘yung tao kailangang harapin niya, kung ano ang dapat niyang harapin. Para marealiz niya ‘yung bigat na ginawa niya na dapat niyang panagutan.”

“No comment” naman ang isinagot ng kapatid ni Ana na si Marie nang matanong kung kaya nitong mapatawad si Kit.

At nang hingan si Ana ng mensahe para kay Kit, ito lamang ang nasabi niya, “Fix yourself, fix yourself.”

Ibig bang sabihin wala siyang galit sa aktor kaya ganito ang mensahe niya rito? Sagot niya, “mahal ko naman po talaga ‘yung tao, pero siyempre po ‘yung galit naroon po iyon kaya nga po ipina-file ‘yung case kasi roon ko na idinadaan ‘yung galit ko sa tamang proseso po. Pero bilang tao po alam ko na maraming hindi nakagagawa ng maganda dahil sa emotions and everything pero tao rin ako. Siyempre marunong din akong magpatawag pero may consequence ang lahat ng ginagawa natin kapag gumagawa tayo ng mali.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …