Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
MAGANDANG araw sa inyong lahat mga suking tagasubaybay.
Muli, nais kong ibahagi sa inyo ang kategorya ng bawat prutas na madalas nating kainin.
Sa pamamagitan ng kaalamang ito, madedetermina ninyo ang kailangan ninyong prutas base sa kung ano ang temperatura na inyong kinalalagyan.
Huwag po kalimutan na ang karamdaman na puwedeng tumama sa ating katawan ay dahil sa hindi balanseng init at lamig sa ating katawan.
Narito ang iba’t ibang uri ng prutas na nasa kategorya ng init at lamig.
Ang mga prutas na mainit (hot/warm fruits) sa katawan ay ang mga sumusunod:
1) Durian 6) Guava
2) Grapes 7) Star apple
3) Longan 8) Duhat
4) Strawberry 9) Lyche)
5) Cherry 10)Lanzones
Narito naman ang mga prutas na malamig (cool fruits) sa katawan:
1) Buko 6) Saging
2) Pakwan 7) Orange
3) Melon 8) Papaya
4) Orange 9) Persimmon
5) Peras 10) Kiwi
Ang balancing fruit sa katawan (neutral and friendly fruit) puwede sa lahat ay apple.
Nawa’y makatulong ang kaalamang ito kung paano ninyo isusustina ang inyong kalusugan.