Saturday , November 16 2024
marijuana

Tulak tiklo sa 1.7 kilo ng ‘damo’

NASUKOL ng mga awtoridad sa ikinasang buy bust operation ang isang hinihinalang tulak na nasamsaman ng 1.7 kilo pinaniniwalaang marijuana sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal.

Kinilala ni PNP Drug Enforcement Group (DEG) Director P/BGen. Randy Peralta, ang naarestong suspek na si Jheremy Javier, alyas David, nasa hustong gulang, residente sa Brgy. Mambugan, sa lungsod.

Nakompiska mula sa suspek ang 1.7 kilo ng hinihinalang marijuana na tintatayang nagkakahalaga ng P212,500, cellphone na gamit sa transaksiyon, ilang ID cards, boodle money, at buy bust money.

Ayon sa mga tauhan ng PNP DEG Special Operation Unit (SOU) 4A, may tatlong linggo nilang isinagawa ang surveillance bago naaresto ang suspek. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …