Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeric Gonzales Rabiya Mateo

Jeric kay Rabiya — Hihintayin kita

RATED R
ni Rommel Gonzales

DAHIL open na sa kanilang relasyon, tiyak na hindi sasabihan ni Jeric Gonzales si Rabiya Mateo ng, “hihintayin kita!”

Hihintayin Kita ang pamagat ng bagong single ni Jeric kaya tinanong namin ang Kapuso hunk kung may nagsabi o nagdayalog na ba sa kanya ng, “hihintayin kita”?

Wala pa nga eh,” ang sagot sa amin ni Jeric. “Naghihintay nga rin ako, eh!”

Si Jeric ay wala pa ring sinasabihan ng “hihintayin kita!”

Ang Hihintayin Kita sa ilalim ng GMA Music ay theme song ng pelikula ni Jeric na Broken Blooms, ang nag-iisang Filipino film na napili para ipalabas sa 41st Oporto International Film Festival sa Portugal.

Ang Broken Blooms ay idinirehe ni Louie Ignacio na siya ring sumulat ng Hihintayin Kita at director din ng music video ng kanta ni Jeric.

Bukod kay Jeric, nasa Broken Blooms din sina Therese Malvar at Royce Cabrera.

Kasama rin sa cast ng Philippine adaptation ng South Korean series si Jeric, ang  Start- Up kasama nina Bea Alonzo, Alden Richards, at Yasmien Kurdi.

Ang Hihintayin Kita ay ini-launch sa All-Out Sundays nitong Linggo, March 20 at ngayon ay available na sa iba’t ibang digital platforms worldwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …