Saturday , November 16 2024
hazing dead

18-anyos estudyante todas sa hazing

PATAY ang isang estudyante matapos sumailalim sa initiation rites ng isang fraternity sa bayan ng Kalayaan, lalawigan ng Laguna.

Kinilala ang biktimang si Reymart Rabutazo, 18 anyos, estudyante, residente sa Purok 1C, Brgy. Longos, sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, dakong 4:50 pm noong Linggo, 20 Marso, nang magtungo ang lola ng biktimang si Elizabeth Rabutazo, upang isumbong ang nangyari sa kaniyang apo.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, sumailalim ang biktima sa inititation rites ng Tau Gama Fraternity sa bulubunduking bahagi ng Twin Falls, Brgy. San Juan, sa naturang bayan.

Nagawa pang madala sa Gen. Cailles Hospital, sa bayan ng Pakil, ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Agad nagpadala ang mga tauhan ng PCLO SOCO sa pagamutan upang magsagawa ng awtopsiya.

Patuloy ang isinasagawang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at lokasyon ng mga suspek. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …