Saturday , November 16 2024
Tsinaptsap na katawan ng lalaki natagpuan sa Montalban

Tsinaptsap na katawan ng lalaki natagpuan sa Montalban

NATAGPUAN ang putol-putol na bahagi ng katawan gaya ng ulo, torso, braso, at paa ng isang lalaking pinaniniwalaang biktima ng summary execution at itinapon sa Zigzag Road, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal, nitong Huwebes ng madaling araw, 17 Marso.

Ayon sa ulat, nakita ang tsinaptsap na bangkay ng ilang pasahero na nakalagay sa itim na garbage bag sa Zigzag Road, kapaon ng madaling araw.

Nang buksan ng mga pulis ang garbage bag, tumambad ang pugot na ulo, at iba pang bahagi ng katawan ng isang lalaki na puno ng tattoo.

Ayon kay P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., hepe ng Montalban PNP, maaaring itinapon sa lugar ang bangkay ng biktima upang iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.

Paniwala ng opisyal, matindi ang galit ng mga suspek dahil sa ginawang pagkatay sa bangkay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakilanlan ng biktima.

Sinusuri rin ng mga awtoridad kung mayroong CCTV camera sa lugar na makatutulong sa imbestigasyon. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …