Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sandy Ocampo Alex Lopez Raymond Bagatsing Team Pagbabago

Team Pagbabago inendoso ni Congw. Ocampo

PORMAL na inendoso ni 6th district congresswoman Sandy Ocampo sina Manila mayoral aspirant Atty. Alex Lopez, vice mayor candidate Raymond Bagatsing at buong Team Pagbabago ng Distrito 6 nitong Sabado, 12 Marso 2022 sa Punta, Sta. Ana, Maynila.

Ipinahayag ni Congw. Ocampo, walang ibang karapat-dapat na maging Mayor ngayon sa Maynila kung hindi si Alex Lopez.

Ayon kay Ocampo sobrang ‘qualified’ si Lopez, dahil isang kapitagpitagang abogado, professor, ekonomista, at may  magandang rekord ang buong pamilya sa Maynila.

Tahasang sinabi ni Ocampo na pinabayaan ni kasalukuyang VM Honey Lacuna-Pangan na malubog ang Maynila sa bilyon-bilyong pagkakautang.

Nagbiro pa si Congw. Ocampo, na halata ang pagiging masungit ni Honey at hindi bumababa sa Punta Sta. Ana.

Aniya, malamang ngayong eleksiyon maiisipan ni Honey na manikluhod sa mga residente ng Punta, Sta. Ana, na parte din naman ng Maynila.

Nagpapasalamat ang Team Pagbabago sa pangunguna ni aspirante Mayor Atty. Alex Lopez sa naging mainit na pagtanggap at walang sawang pagsuporta ng mga taga-Punta, Sta. Ana.

Sinabi ni Lopez, makaaasa ang lahat na malapit na nilang makamit ang tunay na pagbabago at kaginhawaan sa buhay.

Ani Atty. Alex, handa niyang suportahan ano man ang kulay ng isang politiko kung sa tingin niya’y makatutulong sa pag-unlad at pagbabago ng bansa o ng pamayanan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …