Friday , November 15 2024
Arrest Posas Handcuff

Lider ng ‘gun-for-hire’ gang, tiklo sa Montalban

ARESTADO ang isang lalaking nakatalang No. 1 most wanted sa kasong murder at dalawang bilang ng kasong attempted murder sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal, nitong Sabado ng hapon, 12 Marso.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., hepe ng lokal na pulisya, kay Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala ang suspek na si Juan Raga, 54 anyos may-asawa, residente sa Brgy.

San Isidro, ng nabanggit na bayan.

Nabatid na dakong 5:15 pm kamakawala nang masakote ng grupo ni P/Lt. Fernan Romulo ang suspek sa bisa ng mga warrant of arrest na inilabas nina Presiding Judge Josephine Zarate Fernandez ng San Mateo, Rizal RTC Branch 76 sa dalawang bilang ng kasong attempted murder; at Presiding Judge Judge Apollo Matala ng Rodriguez, Rizal MTC sa paglabag sa PD 1866.

Ayon kay Pipo, kabilang sa mga humuling operatiba sa suspek sina P/Maj. Joel Custodio ng Rizal Intelligence Unit (PIU), RIU4A at P/Capt. Aldrich Keith Bartolome.

Pinaniniwalaang lider ng gun-for-hire gang na kumikilos sa lalawigan ng Bulacan si Raga at nasa talaan ng pulisya bilang Top 1 Most Wanted ng CALABARZON. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …