Friday , November 15 2024

Lacson camp kay Robredo:
IDEKLARA SA PUBLIKO NA (WALANG) UGNAYAN SA KOMUNISTA

031422 Hataw Frontpage

TINUGON ng kampo ni Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson ng isang hamon na harapang itanggi o kompirmahin ni Vice President Leni Robredo ang alyansa ng komunistang grupo sa kandidatura sa pampanguluhang halalan.

Ayon kay dating House Committee on Public Order and Safety chairman at tagapagsalita ni Lacson sa peace and order na si Ret. General Romeo Acop, ito ay upang direktang mabatid ng taongbayan ang totoong relasyon ni Robredo sa mga komunista.

Maging ang senatorial candidate na si Antonio Trillanes ay hinamon din ni Acop na patunayan ang katuwiran nitong walang nakapasok na elemento ng komunismo sa grupo ni Robredo.

“Wala nang ginawa ang mga ‘kakampink’ kundi paratangan si Ping Lacson ng red-tagging pero hindi naman nila masabi sa publiko kung may direkta silang alyansa sa Makabayan Bloc na ayon na rin sa ayaw umuwi na si Jose Maria Sison — na nasa likod ng pagkakalikha ng mapaminsalang CPP-NPA — ay kabilang sa kanilang front organizations,” saad ni Acop sa isang pahayag.

Hindi umano basta dapat ipagwalang-bahala ng kampo ni Robredo ang isyung ito dahil malalagay sa alanganin ang kapakanan at kaligtasan ng mga Filipino lalo ang mga nasa kanayunan, ayon pa kay Acop.

“Higit diyan, nanganganib na malagas ang ating mga pulis at (ka)sundalo(han). Sino pa ang magtatanggol sa atin kung gano’n?” aniya.

“Hindi ko maubos-maisip kung saan pupulutin ang gobyernong may sarili nang sandatahang lakas na nakabatay sa Saligang Batas na pomoprotekta sa estado ay lalabas na nakikipagmabutihan din sa grupong hindi kumikilala, sumasalungat at gustong maghari-harian sa pamahalaan,” diin ng dating mambabatas at heneral.

Inisa-isa rin ni Acop ang mga ibinibintang ng mga kritiko kay Lacson, tulad ng pagkaantala ng pensiyon ng mga military and uniformed personnel; pagbabawal sa mga pulis na magdala ng baril kapag hindi naka-duty; gayondin ang pinalulutang na naghihintay na lamang aniya ang presidential candidate na bayaran ng P500 milyon para umatras sa kanyang kandidatura.

Nakahanda umanong harapin ni Acop ang mga nagpaparatang na ito kay Lacson para matauhan sila sa kanilang mga walang batayang paninira sa batikang lingkod-bayan at dating hepe ng Philippine National Police (PNP).

“Malayong, malayo ito sa katotohanan dahil kilala ko si Ping Lacson mula ulo hanggang paa bilang senior classman niya sa PMA at comptroller ng pamunuan niya ang PNP. Kaya kong magbigay ng pruweba sa bagay na ito,” saad ni Acop.

Aniya, ang mga naglalabasang ito ay pawang kasinungalingan at malinaw na ginagamit upang takpan umano ang katangian ni Lacson bilang “nababagay na lider, panggera, sa ilalim ng situwasyon na kinakaharap ng bansa.”

Ayon kay Acop, “Kung tatanungin ninyo ako kung sino ang nasa isip kong maaring nagpapakalat nito laban kay Ping Lacson, ang sagot ko ay ganito – marahil ay pareho tayo ng iniisip.” (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …