Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joy Belmonte

Halos 9,000 kababaihan sa QC tumanggap na ng “Tindahan ni Ate Joy”

AABOT sa siyam na libong (9,000) kababaihan sa Quezon City (QC) ang nakatanggap na ng ayudang “Tindahan ni Ate Joy” — isang livelihood program ni Mayor Joy Belmonte.

Naiulat ni Belmonte nitong weekend, P10,000 halaga ng mga paninda para sa sari-sari store ang naipamigay na nila sa bawat isa ng kabuuang bilang na 2,389 ng kababaihan mula pa noong 2013 hanggang 2021.

“For this year (2022) as of March 11, 2,295 ang nabigyan na rin,” dagdag ng Mayora.

Ang “Tindahan ni Ate Joy” ay nakapagbibigay ng panimulang puhunan at suporta para sa mga kababaihang walang trabaho at mga ina ng tahanan na nasa bahay lamang, solo parents, people with disabilities (PWDs), mga dumanas ng karahasan at pang-aabuso sa kanilang mga asawa o kapartner, at maging ang mga asawa ng mga drug dependents na ginagamot sa community rehabilitation centers.

Nasimulan ang programa noon pang 2013 nang vice mayor pa lamang si Belmonte, para makatulong sa mga kababaihang nabanggit, upang sila ay maging partner din ng QC sa pagpapaangat ng ekonomiya ng lungsod.

Sa ika-siyam na taon ng programang “Tindahan ni Ate Joy,” 4,684 ang nabiyayaan nito.

“I will give pa 600 per district this month so aabot sa additional 3,600,” dagdag ni Belmonte.

Batay sa pag-aaral ng QC Anti-Poverty Task Force noong 2011, karamihan sa mga walang trabaho sa lungsod ay mga kababaihan at 78.59 percent ay mga nasa bahay lamang.

Malaki ang paniwala ni Belmonte, ang mga kababaihn ay may mahalagang papel sa pagpapaunlad ng pamayanan at kailangang bigyan ng oportunidad na matulungang sumigla ang kabuhayan kasama ng mga anak para makapamuhay nang maayos.

“Batay sa mga datos, kapag ang nanay, ang babae sa pamilya, ay kumikita rin, mas lalo siyang inirerespeto ng kanyang mga anak at asawa. Tumataas din ang dignidad sa sarili dahil hindi siya umaasa sa ibang tao para sa kanyang kabuhayan,” paliwanag ni Belmonte.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …