Sunday , December 22 2024
RP-Mission and Development Foundation Inc RPMD

10 NCR Mayors, panalo sa RPMD survey

SAMPUNG nanunungkulang alkalde sa National Capital Region (NCR) na naghahangad na muling mahalal o tumakbo para sa ibang posisyon ay may “commanding lead” sa darating na halalan sa Mayo 2022.

Sila ay sina Mayor Joy Belmonte ng Quezon City, Mayor Toby Tiangco ng Navotas City, Mayor Oca Malapitan ng Caloocan City, Mayor Emi Rubiano-Calixto ng Pasay City, Mayor Francis Zamora ng San Juan City, Mayor Mel Aguilar ng Las Piñas, Mayor Abby Binay ng Makati City, Mayor Marcy Teodoro ng Marikina City, Mayor Vico Sotto ng Pasig City, at Mayor Ike Ponce ng Pateros.

Gusto pa rin ng mga botante sa Quezon City ang kanilang kasalukuyang Mayor kaya inilampaso ni Mayor Joy Belmonte na may 63% score laban kay Cong. Mike Defensor na nakakuha ng 33% puntos sa karera sa pagka-alkalde ng lungsod.

Continuity sa proyekto at programa, kaya suportado ng mga Navoteños si Mayor Toby Tiangco (89%) na tumatakbong congressman at ang kanyang kapatid na si Cong. John Rey Tiangco (85%) na gustong maging alkalde muli. Ang mag-amang Gardy at RC Cruz na katunggali ng mga Tiangco ay nakakuha lang ng 10% at 13%, ayon sa pagkakasunod.

Kombinsido sa husay ng mag-amang Malapitan ang mga botante sa Caloocan City, kaya si Mayor Oca Malapitan na tumatakbong congresman ay nabigyan ng 89% points laban kay Alou Nubla (10%). Samantala, si Cong. Along Malapitan ay suportado ng 75% ng mga botante laban kay Cong. Egay Erice na may 24% sa labanan sa pagka-mayor ng siyudad. Si Dean Asistio (72%) ay nanguna sa pagka congressman laban kay ex- Cong. Recom Echiverri na may 27%.

Ang magkapatid na sina Mayor Emi Calixto-Rubiano (86%) at Cong. Tony Calixto (89%) ng Pasay City ay namamayagpag sa latest survey at inaasahan na mananatili sa kani-kanilang puwesto.

Ang iba pang nangunguna sa karera para sa mga Mayor ay sina Mel Aguilar (92%) ng Las Piñas, Abby Binay (97%) ng Makati, Marcy Teodoro (57%) ng Marikina, Vico Sotto (65%) ng Pasig, Ike Ponce (85%) ng Pateros, at Francis Zamora (94%) ng San Juan.

Samantala, ang mga bagong mayor na inaasahan sa mga sumusunod na lungsod at mga nangungunang kandidato ay sina — Cong. Ruffy Biazon sa Muntinlupa City (74%), ex. Comelec Chairman Ben Abalos (95%) sa Mandaluyong, Vice Mayor Honey Lacuna (56%) sa Manila, ex-Vice Mayor Jeannie Sandoval (53%) sa Malabon, Cong. Eric Olivarez (76%) ng Parañaque, Cong. Lani Cayetano (70%) ng Taguig, at Cong. Wes Gatchalian (93%) ng Valenzuela.

Ang “NCR Boses ng Bayan 2022 election survey” na isinagawa ng RP- Mission and Development Foundation Inc., isang independent at non-commissioned na pag-aaral na isinagawa bawat lungsod na may kabuuang 10,000 sa buong NCR ay random na napiling rehistradong botante na direktang tinanong, “Kung ang halalan ay gaganapin ngayon, sino ang iboboto mong mayor/congressman?” ayon kay Dr. Martinez, Executive Director ng RPMD.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …