RATED R
ni Rommel Gonzales
BUKOD sa pagiging singer, gumagawa rin si Garrett Bolden ng kanta, tinanong namin ito kung sino sa mga kapwa niya Kapuso artist ang nais niyang igawa ng kanta at anong klase ng kanta?
“Ah, if I were to write a song, so far mayroon po akong dalawa sa aking isip at noong nakaraan ko pa po ito iniisip, isang singer po at isang loveteam.
“Sa singer po siyempre I wanted to write… alam ko naman na sobrang galing na songwriter ni Ms. Julie Anne San Jose, pero if I were given a chance I would really love to write a song for her.
“And kung mayroon naman po akong isusulat at kakantahin gusto ko po isang kanta na maibibigay kay Bea Alonzo at kay Alden Richards po.
“Kasi parang when I met, I mean nakatrabaho ko na po si Alden pero noong na-meet ko po si Ms. Bea for the first time, the second tme, she’s really, really nice and kahit po, siyempre Ms. Bea Alonzo na po ‘yun, parang siya pa po minsan ‘yung mauunang ngingiti sa amin, magha-hi sa amin, so talagang I’m really inspired sa kanya.”
Unang na-meet ni Garrett si Bea sa All Out Sundays at sa isang event ng Lazada.
Kung sakaling matapos na ang COVID pandemic at bumalik na nang husto sa normal ang sitwasyon at magkakaroon ng major concert si Garrett, sino ang nais niyang maging special guest?
“Wala na pong isip-isip pa, si Ms. Julie Ann San Jose!”
Crush ba niya si Julie Anne?
“Noong ‘Clasher’ pa lang po ako we see her as someone na talagang pinaghirapan niya ‘yung career niya.
“At saka sobrang multi-talented po talaga siya and above all that, napakabait po niyang tao.
“And gina-guide niya rin kaming mga Clasher, as in to share a secret lang din po, sometimes when I write a song ‘pag medyo natapos na po ipinaririnig ko sa kanya.
“And nanghihingi po ako ng advise, tinutulungan niya po kami. Hindi lang naman po ako, kumbaga kami pong mga baguhan sa industriya.”
Produkto si Garrett ng season 1 ng The Clash na ang hosts ay sina Julie Ane at Rayver Cruz.
Samantala, ang bagong kantang isinulat at kinanta ni Garrett na Pwede Pa Ba? sa ilalim ng GMA Music ay available sa Spotify, YouTube Music, iTunes at iba pang mga digital platforms worldwide.
Ang naturang single ay agad nakarating sa third spot ng iTunes PH noong i-release ito noong January 28.
Ang Pwede Pa Ba? ang unang attempt ni Garrett na sumulat ng isang Tagalog na kanta.
Si Garrett din ang umawit ng theme songs ng iba’t ibang serye ng GMA tulad ng Agimat ng Agila, The World Between Us, at Stories from the Heart: Love on Air.
Ang una naman niyang isinulat na awitin, ang Our Love ay napiling maging official theme song ng primetime series na I Left My Heart in Sorsogon.
Target naman ni Garrett na makapag-release ng isang international song sa pamamagitan pa rin ng GMA Music.