Saturday , May 17 2025
Ping Lacson Tito Sotto
Ping Lacson Tito Sotto

Utang ng bansa hindi babayaran ni Juan dela Cruz — Lacson-Sotto

TINIYAK ng tambalang Lacson-Sotto sa mga Pasigueño na hindi babayaran ni ‘Juan dela Cruz’ ang malaking pagkakautang ng bansang Filipinas sa ilalim ng kanilang adminitrasyon.

Ayon kay presidential candidate Senator Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential candidate, Senate President Vicente “Tito” Sotto III, walang dapat ipangamba ang mga magulang sa kasalukuyan, na ang pagkakabaon sa utang ng ating bansa ay babayaran ng kanilang mga apo o ng susunod na salinlahi.

Tinukoy nina Lacson at Sotto, mayroong sapat na pagkukuhaan na pondo ang pamahalaan para unti-unting bayaran ang ating pagkakautang.

Ipinunto nina Lacson at Sotto, ang nagiging savings ng pamahalaan kada taon o pondong hindi nagagamit sa ating pambansang pondo.

Maging sina Lacson at Sotto ay nagtataka sa pamahalaan kung bakit sa kabila na mayroon tayong savings kada taon ay nakukuha pang mangutang na wala namang pagkakagastusan.

Kaya sinabi nina Lacson at Sotto, bilang mambabatas na gumagawa ng mga batas lalo ang General Appropriations Act (GAA) o taunang budget ay magagawa nilang maipatupad ang nilalaman nito sa sandaling sila ang maihalal ng taongbayan ngayong darating na halalan sa 9 Mayo 2022.

Naniniwala sina Lacson at Sotto, kulang ang ehekutibo sa tama at sapat na pagpapatupad o implementasyon ng mga batas at mga pondong pinagtibay ng dalawang kapulungan ng kongreso.

Bukod dito, tiniyak nina Lacson at Sotto na unti-unti rin itataas ang suweldo ng ating mga guro at mga nars tulad ng pagtaas o dagdag na suweldo ng ating uniformed personnel.

Nanindigan ang tamabalang Lacson-Sotto, kanilang titiyaking mapupunta at mapapakinabangan ng bawat local government units (LGUs) ang nilalaman ng ating GAA.

Siniguro nina Lacson at Sotto, sa sandaling sila ay maluklok sa puwesto, kanyang kakausapin ang Regional Wage Board na agarang pag-aralan ang dagdag o akmang pasahod para sa isang manggagawa.

Aminado sina Lacson at Sotto na hindi na talaga sapat ang kasalukuyang sahod ng mga manggagawa para makabuhay ng isang pamilya lalo na’t ito ay nasa P500 lamang o higit nang kaunti.

Bukod dito, tinukoy nina Lacson at Sotto, kanila rin ipapanukala sa dalawang kapulungan ng kongreso ang agarang paggawa ng batas na nagtatakda na anumang oras mangyari na lumampas sa 80 dollars per barrel ang presyo ng petrolyo ay sasagutin ng pamahalaan ang lamps na buwis dito.

Ipinunto nina Lacson at Sotto, halos P10 kada bariles ang itinaas ng presyo. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

Zia Alonto Adiong Leila de Lima Chel Diokno Sara Duterte

Sa House prosecution panel
De Lima, Diokno lalong magpapalakas sa kaso vs VP Duterte – Chairman Adiong

KOMPIYANSA si House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation Chairman Zia Alonto …

COMELEC Vote Election

Partylist at ilang grupo nanawagan ng malawakang imbestigasyon sa halalan, at sa Miru Systems

NANAWAGAN ang ilang concerned citizens at partylist na magsagawa ang Malacañang ng isang malawakang imbestigasyon  …

Alex Gonzaga Mikee Morada

Alex sobra-sobra ang saya, Mikee vice mayor na ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MARAMING, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang …

Daniel Fernando Alexis Castro

Wagi sa landslide victory  
FERNANDO, CASTRO NAIPROKLAMA NA

OPISYAL nang iprinoklama sina kasalukuyang Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Alexis C. Castro …