Friday , November 15 2024
Sa CALABARZON 8TH MOST WANTED NASAKOTE9 PA NASUKOL NG LAGUNA PNP Boy Palatino

Sa CALABARZON 8TH MOST WANTED NASAKOTE, 9 PA NASUKOL NG LAGUNA PNP

INIULAT ni Laguna PPO Acting Provincial Director P/Col. Rogarth Campo kay PRO-4A PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, ang pagkakadakip sa pangwalong most wanted person ng PNP CALABARZON pati ang pagkasakote ng siyam pang wanted persons sa hiwalay na manhunt operations sa lalawigan ng Laguna, nitong Martes, 8 Marso.

Sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Garry Alegre, hepe ng San Pablo City Police Station (CPS), inaresto ang suspek na kinilalang si Angelito Permante, 48 anyos, residente sa Brgy. Sta. Monica, dakong 8:12 am kamakalawa sa Brgy. San Vicente, pawang sa lungsod ng San Pablo, sa bisa ng mga warrant of arrest sa krimeng rape na may inirekomendang piyansang P120,000, may petsang 7 Hulyo 2004, inisyu ng San Pablo City Regional Trial Court Branch 30; at sa paglabag sa RA 7832 o Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994 na may inirekomendang piyansang P80,000, may petsang 23 Setyembre 2009, inisyu ng Biñan City Regional Trial Court Branch 25.

Sa hiwalay na manhunt operation ng San Pablo CPS, pinagdadampot ang wanted persons na kinilalang sina Nestor Lescano, 58 anyos; Joel Exconde, 43 anyos; Ramil Reyes, 53 anyos; at Noel Guia, 64 anyos, mga residente sa Brgy. San Jose, San Pablo, Laguna dakong 12:47 pm, kamakalawa sa Brgy. VB, sa nabanggit na lungsod, sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Anti-Gambling Law (PD 1602), may petsang 18 Pebrero 2022, inisyu ng San Pablo Municipal Trial Court Branch 3.

Samantala, dinakip ng mga tauhan ng Sta. Rosa CPS sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Paulito Sabulao, ang rank 10 most wanted person na kinilalang si Ariel Magdadaro, 46 anyos, electrical supervisor dakong 6:00 pm noong Martes sa Brgy. Pooc, Sta. Rosa, sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may inirekomendang piyansang P80,000, inisyu ng Sta. Rosa Regional Trial Court Branch 101.

Inaresto ng Los Baños Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Louie Dionglay, ang suspek na si Lenie Sagario, 40 anyos, dakong 9:45 am kamakalawa, sa Brgy. Baybayin, Los Baños, sa bisa ng warrant of arrest, sa paglabag sa Anti-Gambling Law (PD 1602), may inirekomendang piyansang P30,000, petsang 1 Marso 2022 at inisyu ng Los Baños Municipal Trial Court.

Nasukol ng mga tauhan ng Sta. Cruz Municipal Police Station sa pangangasiwa ni P/Lt. Col. Paterno Domondon, Jr., ang mga suspek na kinilalang sina Onofre Escarcha, Jr., 32 anyos; Jose Cambel, 58 anyos; Michael Consolacion, 39 anyos, pawang mga residente sa Brgy. San Juan, dakong 9:20 am noong Martes, sa Brgy. Poblacion 3, parehong sa Sta. Cruz, Laguna, sa bisa ng warrant of arrest sa krimeng Serious Physical Injuries (RPC Art. 263), may inirekomendang piyansang P6,000, petsang 1 Marso 2022 na inisyu ng Sta. Cruz Municipal Trial Court.

Pansamantalang nasa kustodiya ng mga estasyon ng pulisya ang mga suspek habang ipinaalam sa mga korteng nag-isyu ng mga warrant of arrest ang pagkakadakip sa mga akusado.

Ani P/Col. Campo, “Ito ang patunay na ang Laguna PNP ay seryoso sa pagsawata sa mga wanted na kriminal, sa tulong ng ating komunidad, lalo pa naming pinaiigting ang operasyon laban sa mga nagtatago sa batas at para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …