Unti-unti nang gumuguho ang kredibilidad at mahubaran ng maskarang puno ng pagkukunwari ang isang senatorial bet na tinaguriang ‘Plastik King’ o hari ng kaplastikan.
Kilala umano itong si “Plastik King” na mahilig manglaglag at mang-iwan sa ere. Dagdag pa ng kampo nito na hindi lamang pala manglalaglag itong si plastic king kundi mahilig pa umanong ‘mamangka sa dalawang ilog.”
Naglabas pa umano ng video clip sa meeting na iyon ang dating mga kaalyado ni plastic king at nakita itong umakyat sa entablado ng kalabang partido at nagdeklara sa mga standard-bearers nito bilang mga future leaders ng bansa sa mismong proclamation rally nila.
Bago pa umano sumanib si plastic king sa tandem ng mga dating kaalyado sa senado ay sinabihan na umano siya ng mga ito na iisa lamang ang kasunduang dapat sundin sa lahat ng oras at yun ay ang pagbabawal sa pag-indorso ng mga kalaban nila mismo.
Bagama’t sumang-ayon sa maginoong kasunduan itong si plastic king ay hindi rin niya naiwasang gawin ang nakasanayan na – ang manglaglag na mga kasamahan kapag nakasilip ng pagkakataong makaisa o mang-isa.
At marahil sa sobrang kahihiyang sinapit ni plastic king sa mga tagpong iyon ay hindi na umano ito sumipot sa proclamation rally ng dati niyang mga kaalyado at sa halip ay ipinadala na lang ang kapatid niyang kongresista. Ito na rin ang sumasama sa mga campaign sortie ng nilaglag niyang partido.
Dagdag pa ng isang taga-suporta ng dati niyang mga kaalyado – lumabas umano ang tunay na ugali at kulay ni plastic king nang makitang consistent na nangunguna sa survey ang bago niyang iniindorso at hindi na raw siya nagulat dahil yun naman daw talaga ang istilo nito.
Ayon pa rin sa supporter, hindi raw ito ang unang pagtataksil ni plastic king sa mga kasamahan. Natatandaan pa daw niya noong bagong senador pa lamang ito ay nasampahan ito ng criminal at graft charges sa Ombudsman kasama ang isang dating kongresista at 24 pang iba.
Ito ay may kaugnayan umano sa “maanomalyang” pagbili ng naturang ahensiyang patubig sa isang naluluging bangko na pag-aari ng pamilya ni plastic king.
Matapos umano ang mahabang paglilitis ay nahatulan ng criminal offense ang dating kongresista subalit kataka-taka umanong napawalang-sala si plastic king.
May naganap kayang laglagan sa kasong ito? Kayo na ang bahalang humusga! kapag nakuha na niya ang gusto sa isang tao o grupo, lalo na kapag nalalagay sa alanganing sitwasyon at oras ng kagipitan.
At dahil ang gawaing ito ay hindi naman habambuhay na nakakalusot – ay darating din ang panahon na malalaman ng buong bayan ang tunay na pagkatao nito at base sa mga pangyayari nitong nagdaang mga araw ay mukhang dumating na nga ito.
Kamakailan lang ay nakatikim itong si plastik king ng “dose of his own medicine” nang ilaglag din siya ng mga dating kasamahan sa senado na ngayo’y tumatakbong pangulo at pangalawang pangulo.
Sabi pa mismo ng kasalukuyang Senate President na tumatakbong vice-president sa plastic king na ito ay “Anong gagawin mo sa isang taong hindi tumutupad sa isang maginoong kasunduan?”
“May respeto kami sa aming sarili at mahalaga sa amin ang dignidad bilang mga Pilipino,” sabi naman ng isang presidential standard bearer ng partidong sinapian mismo ni plastic king.
Nangyari ito mismo sa isang harapan kasama ang mga miyembro ng partido at mediamen sa kanilang campaign headquarters sa San Juan City noong nakaraang mga linggo.
Nabuo ang desisyong tuluyan nang ilaglag si plastic king ng naturang partido makaraang inindorso nito ang kalabang pres. /vice pres. tandem na nangunguna sa mga survey sa kasalukuyan.