Sunday , December 22 2024
Leni Robredo Bongbong Marcos

Robredo nalampasan na si Marcos sa Facebook Analytics ngayong Marso

NALAMPASAN na ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo si Ferdinand Marcos, Jr., ngayong buwan pagdating sa Facebook Analytics score, na sumusukat sa potensiyal ng mga tao na maging botante ng isang partikular na kandidato.

Ayon sa data scientists na sina Wilson Chua at Roger Do, si Robredo ang nakakuha ng pinakamalaking pagtaas mula Pebrero hanggang Marso pagdating sa social sentiments sa Facebook.

“Starting March 1, VP Leni is now ahead of BBM,” wika ni Chua sa panayam sa programang “Pinoy Scientist” ng NET25, kung saan tumatayong host si Dr. Guido David ng OCTA Research.

Mula 12-17 Pebrero, nakakuha si Robredo ng 38.54 porsiyento o kabuuang 4,799,593 engagements sa Facebook, huli ng limang puntos kay Marcos.

Ngunit batay sa kanilang pagsusuri sa 58 milyong data points mula Facebook, sinabi ni Chua na nabaligtad na ang sitwasyon at lamang na si Robredo kay Marcos ng limang puntos ngayong Marso, na may kabuuang 8 milyong engagements kompara sa 7.5 milyon ng kanyang katunggali.

“It predicts an even larger engagement score for Leni in the coming weeks,” wika ni Chua, na umaasang makikita ang mga resultang ito sa darating na surveys.

Sumang-ayon naman si David sa pananaw ni Chua, sa pagsasabing magkakaroon ng malaking pagbabago sa surveys ng malalaking survey firms pagdating ng Marso at Abril.

Tuwing kampanya, sinabi ni Do na ginagamit nila ang nasabing datos para malaman ang epekto ng kanilang mga mensahe sa tinatawag na swing voters.

Batay sa datos, lumilipat na ang tinatawag na soft voters at swing voters sa panig ni Robredo. “She will probably gain an increase in voters’ preference,” ani David.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …