Thursday , December 19 2024
arrest posas

Puganteng rapist, timbog sa Pasig

NATAPOS ang pagtatago ng isang suspek sa dalawang bilang ng kasong statutory rape nang madakip ng mga awtoridad sa ikinasang manhunt operation sa lungsod ng Pasig, nitong Lunes ng hapon, 7 Marso.

Sa ulat, kinilala ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig police, ang suspek na si Dick Royol Huit, nasa hustong gulang, residente sa Alvarez Peñaflor Compound, Brgy. Maybunga, sa lungsod.

Nabatid, dakong 5:00 pm kamakalawa nang nasakote ng grupo ni P/Maj. Jose Luis Aguirre, hepe ng Station Intelligence Section ang suspek sa C. Raymundo Ave., sa nabanggit na lugar.

Isinagawa ang manhunt operation sa bisa ng warrant of arrest na may petsang 17 Pebrero 2022, inisyu ni Presiding Judge Jesus Angelito, Jr., ng Pasig City RTC Branch 261 sa kasong dalawang bilang ng Statutory Rape under Art. 266-A Par (D) ng RPC sec. 5 (A) ng RA 8369.

Ayon kay Arugay, bahagi ng pinaigting na manhunt operation ng pulisya laban sa mga kriminal sa lungsod ang pagkakaaresto sa suspek. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …