Sunday , December 22 2024
Tito Sotto Ping Lacson

Mga karinderya, tindera kasama sa BRAVE program ng Lacson-Sotto admin

LAHAT ay sama-samang uunlad sa pamahalaang pinag-iisipan at pinaghahandaan ang mga plano para umangat ang buhay ng bawat Filipino tulad ng ginagawa at patuloy na gagawin ng tambalan nina Partido Reporma standard-bearer Sen. Panfilo “Ping” Lacson at running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sakaling mahalal bilang mga susunod na pinuno ng bansa.

Sa ilalim ng Budget Reform Advocacy and Village Empowerment (BRAVE) program ng administrasyong Lacson-Sotto, maging ang mga may-ari ng karinderya at iba pang mga tindera sa palengke at maging sa bangketa ay makatatanggap ng direktang tulong mula sa gobyerno sa pamamagitan ng kanilang mga lokal na pamahalaan.

Hindi lamang ito basta ayudang pinansiyal dahil hahasain din maging ang kanilang kaalamang teknikal upang mapaunlad pa ang kanilang mga negosyo, paglalahad ni Lacson sa panayam ng radio anchor na si Cesar Chavez ng DZRH nitong Sabado.

Paliwanag ng presidential candidate, nagagawa na ito sa ibang lungsod tulad ng ginawa sa Malabon City kung saan nabigyan ng suportang teknikal at ayuda ang mga lokal na industriya, kasama ang mga may-ari ng karinderya.

Ayon kay Lacson, kung magkakaroon lamang ng maayos na ugnayan ang national government at mga local government unit (LGU), hindi lamang sa Malabon City magagawa ang mga ganitong klase ng programa dahil maibababa maging sa malalayong kanayunan ang pondo ng pamahalaan.

“Ito ‘yung essence ng aming budget reform talaga, na ayudahan natin (ang mga LGU) para nang sa ganoon bigyan sila ng sapat na pondo para sa kanilang livelihood at saka mga infrastructure projects sa kani-kanilang mga lugar,” ayon kay Lacson.

“Kasi ang programa namin, kayang bigyan talaga ng hanggang P100 million taon-taon from the national budget on top of the IRA (Internal Revenue Allotment) at saka mga ilang programa ng gobyerno, kayang bigyan dahil nga sa laki ng hindi nagagamit na bahagi ng ating national budget,” dagdag niya.

Kung si Lacson ang magiging susunod na pangulo at mamamahala sa paggastos ng pambansang badyet, sisiguraduhin niyang ang mga LGU ang magpapaunlad sa sarili nilang komunidad imbes ang national government ang magbaba ng proyekto para sa kanila na kung minsan ay hindi naman nakaayon sa kanilang pangangailangan.

Bibigyan din ng kapasidad ang maliliit na munisipalidad na walang kakayahang magbalangkas ng kanilang local development plan.

“Pati pag-iimplementa, tutulungan din sila na matuto para sa kanilang livelihood at saka infrastructure projects,” ani Lacson.

“Iwanan na lang sa national government ‘yung PS (personnel services) — pasuweldo sa government employees — at saka ‘yung mga big-ticket projects na nagko-cross sa border [na] hindi kaya ng isang probinsiya lamang,” aniya.

Sa ganitong paraan, naniniwala ang Lacson-Sotto tandem na kakalat sa buong bansa ang mga oportunidad na hindi na kakailanganing pa ng mga residenteng magpunta sa mga siyudad sa iba’t ibang rehiyon para maghanapbuhay at umasenso.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …