Sunday , December 22 2024
Ping Lacson BRAVE
Kasama ni Paeng Serrana (gitna) ang iba pang mga miyembro ng BRAVE Movers sa Baguio City. Ipinakita nila ang mainit na pagsuporta para kay Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson nang bumisita ito sa summer capital of the Philippines noong Pebrero 18 at 19.

Galing ni Ping napag-uusapan din ng mga Pinoy sa US — BRAVE Movers

TUMATAK sa pangalan ni Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson ang pagiging malinis, matapat, disiplinado, at matalinong lider sa loob at labas man ng bansa.

Ibinahagi ito ng isa sa mga tagasuporta ni Lacson na si Paeng Serrana, 35-taong nanirahan sa Estados Unidos bago magdesisyong magretiro at manatili na lamang sa Baguio City.

“Actually, nasa States pa ako noon, nasa PNP (Philippine National Police) pa lang siya (Lacson), siya na ang pinag-uusapan namin sa States. Kung ano ang mga achievement niya, kung paano niya dinisiplina ang PNP hanggang sa nag-for good na ako rito,” kuwento ni Serrana.

“Alam n’yo naman sa States, nagbabasa kami doon. Meron kaming mga forum-forum kung anong nangyayari. Mga kasama namin vino-voice out nila ‘yung mga nalalaman nila. So far, ang galing ni Lacson,” dagdag niya.

Sinabi niya na maging sa Amerika ay matunog ang pangalan ni Lacson dahil sa paraan niya ng pamumuno at disiplina na ipinakita simula nang maging hepe siya ng pambansang pulisya.

“Kaya parang umangat ang integridad ng mga pulis noong siya naghawak e. Biro mo ‘yung malalaki ang tiyan pinaliit niya, na-remember mo ‘yun?” lahad pa ng tagasuporta ni Lacson na tahimik siyang ikinakampanya.

Tinutukoy niya ang naging polisiya noon ni Lacson sa mga pulis na hindi dapat nagpapalaki ng tiyan at tiyaking nasa maayos silang pangangatawan upang maging mas aktibo sa paghuli ng mga kawatan sa lansangan.

Tulad ng opinyon ng mga naging kasamahan niyang Filipino sa Amerika, bumilib si Serrana sa presidential bet ng Partido Reporma dahil naiangat niya ang integridad ng pulisya. Naniniwala aniya sila na si Lacson ang may kakayahan para umasenso at magkaroon ng disiplina sa Filipinas.

“Kasi alam mo sa States tuwing nag-uusap kami roon ang parating sinasabi namin wala nang asenso ang Filipinas… Tuwing nagkikita kami, ‘wala nang asenso.’ Umuwi ako—almost 35 years ako (sa Amerika)—bumalik ako rito wala pa rin pagbabago,” wika ni Serrana.

“Pero sa ngayon, nakita ko ‘yung advocacy niya na, plataporma niya — maganda e. Hindi kagaya ng mga iba riyan ang gusto nila unity. Anong iyu-unity mo? It’s nonsense talaga. Siya (Lacson) specific e,” aniya.

Pag-amin ni Serrana, desmayado siya sa kanyang pag-uwi sa Filipinas dahil wala na ngang pagbabago ay tila marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi natuto at patuloy na pinaniniwalaan ang sabaw na mga pangako ng ibang kandidato na kulang naman sa mga nagawa para sa bansa kompara kay Lacson.

“Sa totoo lang, I don’t know why. Hindi ko maintindihan, hindi ko masabi kung bulag sila o ano. Tapos naririnig ko siya, actually, I’m not against him but the way he talks – I don’t want to say ‘shit,’” saad niya.

Sa paglahok ni Lacson at running mate niya na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa forum na inorganisa ng Rotary Club of Baguio City sa Newtown Hotel noong 18 Pebrero, napakinggan ni Serrana ang mga inilatag na plataporma at adbokasiya ng dalawang public servants at mas humanga pa siya sa kanilang mga isinusulong tungo sa pagbabago.

“Narinig ko ‘yung sinabi niya na plano niyang gawing digital ang (pag-asikaso ng) government documents pero uunahin niya ‘yung Internet. Kasi kung mahina ang Internet hindi mo magagawa ‘yung sinasabi niyang digital. Kaya maganda ‘yun,” aniya.

Simula nang magretiro siya sa Baguio City noong 2020 matapos ang mahabang taon sa US, naging mas aktibo na umano si Serrana sa pagsuporta sa standard-bearer ng Partido Reporma at gumagawa ng sarili niyang pamamaraan upang maipakilala ang adbokasiya ng Lacson-Sotto tandem.

Nagsimula siya sa paglalagay ng tarpaulin ni Lacson sa kanyang shop hanggang makilala niya ang iba pang naniniwala sa kakayahan ng dating hepe ng PNP. Dito na nabuo ang BRAVE Movers na nagmula sa adbokasiya ng Lacson-Sotto tandem na Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE).

Misyon ng kanilang grupo na maipakilala ang BRAVE na nakikitang solusyon ni Lacson para maalis ang katiwalian sa gobyerno at maayos na magamit ang pondo ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa mga local government unit na magplano para sa pag-unlad ng kanilang komunidad.

“Noon pa alam namin na malinis siya. Wala siyang pakialam kung sino ka basta nasa katwiran ka, okay ka,” pahayag ni Serrana sa dahilan ng pagsuporta nila kay Lacson.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …