Sunday , December 22 2024
Lacson Sotto UP Los Baños Biotech

Para sa mas malaking budget
LACSON PINASALAMATAN NG UP LOS BAÑOS BIOTECH

TUMANGGAP ng pasasalamat si Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson mula sa National Institute of Molecular Biology and Biotechnology (BIOTECH) ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) dahil sa pagsusulong niya ng mas malaking budget para sa kanilang mga pag-aaral lalo sa agrikultura.

Matapos ang ginawang town hall event ni Lacson at ng kanyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa Sta. Cruz, Laguna nitong Martes, 22 Pebrero, sumunod silang nagtungo sa UPLB-BIOTECH nang maimbitahan ng mga opisyal dito.

“Inimbitahan ako kasi ang dami kong nai-augment na ano riyan, ‘yung tawag ko roon ‘institutional amendment.’ Hindi pork barrel ‘yon. Kasi ‘yon nga e, research, research and development. Ang dami nating mga may PhD doon, nandoon nga sila e, na ‘yung iba nagbabalak na mag-abroad kasi walang suporta ‘yung gobyerno,” lahad ni Lacson sa panayam ng DZRH nitong Huwebes.

“Ipinasyal kami roon sa laboratoryo, ipinakita sa amin ‘yung mga equipment na binili na nila. Kasi malaki ang nai-augment ko taon-taon mula noong 2018, 2019 hanggang dito sa 2022. Bilyon ang naibuhos kong pondo riyan sa pamamagitan ng realignment, ‘ika nga. Kinuha ko roon sa alam kong masasayang lang ‘yung pondo, diyan ko inilagak,” dagdag ni Lacson.

Aniya, matagal na siyang inaanyayahan ng UPLB-BIOTECH na pinamumunuan ni Dr. Marilyn Brown, para maipakita ang mga pinal nilang produkto tulad ng binhi at pataba na nagmula sa kanilang mga isinagawang pananaliksik na sinuportahan ni Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa Senado.

Dahil dito, mas lumakas ang paninindigan ni Lacson na dapat talagang suportahan ang sektor ng research and development ng ating bansa upang makatulong sa sarili nating mga mananaliksik at siyentista na ang iba ay nagdedesisyon nang mangibang-bansa.

Naniniwala rin ang presidential candidate na makatutulong ang mataas na suporta ng gobyerno sa research and development para mapalakas ang agrikultura ng Filipinas na nangungulelat, lalo sa produksiyon ng bigas.

“Ang naungusan lang natin Myanmar kasi ang production ng Myanmar 9.9-million metric tons (MT), ano. Tayo nasa 18.8 [million] metric tons,” ayon kay Lacson.

“Tapos ‘yung Thailand nasa trenta (milyon MT) na sila. ‘Yung Vietnam nasa kuwarenta (milyon MT) na. Isipin mo napag-iwanan na tayo [samantala] sa atin nag-aral ‘yang mga ‘yan. E wala kasing suporta nga,” aniya.

Sa kanyang mahabang karanasan sa Senado, matagal nang isinusulong ni Lacson ang pagpapataas ng badyet para sa mga pag-aaral na direktang makatutulong sa iba’t ibang sektor, lalo sa mahihirap na Filipino.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …