INAMIN ng campaign strategist ng Team Isko na si Lito Banayo, personal na desisyon niyang huwag isama si Dr. Willie Ong sa kanilang provincial sorties sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), lalo sa Maguindanao, na idineklara ng mga Mangudadatu na ang kanilang pambato ay tandem na Isko Moreno -Sara Duterte.
“That was my call. That was my decision. Kasi nga, whenever you make sorties or campaign trips, you send an advance team, normally, four or five days beforehand, even a week beforehand. They called me up and they said, ‘Boss, puro streamers dito, Isko-Sara,’ tarpaulins, puro Isko-Sara,” sabi ni Banayo sa ANC interview.
Nitong Lunes, nanindigan si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang kanyang kandidato para sa pagka-bise presidente ay si Doc Willie Ong, kahit na ilang lokal na politiko ang nag-endoso sa kanya ng ibang kandidato.
“He (Moreno) did not say he was supporting Sara at all. He didn’t say that at all. Pero doon kasi sa Maguindanao and Sultan Kudarat, wala rin naman silang sinabi, ‘yung mga speaker, ‘yung major power blocs, wala rin naman silang sinabi na Isko-Sara,” dagdag ni Banayo.
Noong Linggo nasa BARMM si Moreno bilang espesyal na panauhin sa mass oathtaking ng may 50,000 miyembro ng United Bangsamoro Justice Party. Ang kanyang pampulitikang alyansa sa mga Mangudadatu ay nakikitang nagpapalakas ng kanyang bilang ng boto sa parte ng Mindanao.
Ang Maguindanao, may populasyon na 766,497 ay ang pinakamataong lalawigan sa BARMM. Ang Sultan Kudarat naman ay mayroong 452,000 rehistradong botante.