Tuesday , November 19 2024
Isko Moreno Cotabato

Mayor Isko mainit na tinanggap sa Cotabato

PINASALAMATAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mainit na pagtanggap sa kanya ng ilang government officials sa Cotabato sa kanyang pagbisita sa probinsiya nitong Lunes.

Kabilang sa mga pinasalamatan ni Moreno si Cotabato Governor Nancy Catamco para sa kanyang naging courtesy call sa opisina nito sa provincial capitol, na daan-daang mga tagasuporta ang sumalubong at nagpa-selfie sa kanya.

Kasama ni Moreno sa Kidapawan City ang ilan sa Aksyon Demokratiko senatorial bets na sina Samira Gutoc, Dr. Carl Balita, Jopet Sison, at Atty. John Castriciones.

Si Maguindanao 2nd District Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu ang sumama at nagpakilala sa kanila sa gobernador.

Nanindigan ang Aksyon Demokratiko senatorial candidates, na si Moreno ang nararapat na maging presidente at mamuno sa bansa sa susunod na anim na taon.

“Ako simple lamang ang sasabihin ko, kailangan ko po ang tulong n’yo. Andito kami mag-iikot, humihingi ng tulong ninyo at pagkakataon and I think it’s high time for us to move forward on the things, especially what happened in the past and to be reminded of those things so not to repeat those mistakes and whatever that we can do to build in the past. Together we can build back together and be better,” ani Moreno.

Nagpasalamat si Catamco kay Moreno at sa kanyang team sa pagbisita sa Cotabato. “Thank you for dropping by. Kahit paano ay nagpunta po kayo rito sa amin sa province at least nakita n’yo rin kami rito. Sa amin naman welcome ang lahat ng mga candidates na marinig ng taong-bayan kung sino ba dapat ang ating ihalal. So, pasalamat ako dahil nagpunta kayo rito kasama pa si Dong. Tumawag nang personal at ‘di ako makahindi kay Dong. Magkasama kami dati sa Congress, magkatabi sa Congress,” saad ni Catamco.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …