Tuesday , December 24 2024
PNP CHOPPER crash Balesin Island

PNP chief susunduin sa Balesin Island
ROOKIE COP PATAY, 2 SUGATAN SA BUMAGSAK NA PNP CHOPPER

ISANG bagitong pulis ang namatay habang dalawang opisyal ang sugatan nang bumagsak ang sinasakyang helicopter ng PNP sa bayan ng Real, lalawigan ng Quezon, nitong Lunes ng umaga, 21 Pebrero.

Pumanaw ang ikatlong sakay ng helicopter na kinilalang si Pat. Allen Noel Ona habang nilalapatan ng paunang lunas ng paramedic rescuer sa crash site.

Sugatan ngunit mapalad na nasagip sa crash site ang dalawang opisyal na pulils na kinilalang sina P/Lt. Col. Dexter Vitug, piloto; at P/Lt. Col. Michael Melloria, co-pilot, at dinala sa Claro M. Recto Hospital sa bayan ng Infanta mula sa Real Municipal Hospital para mabigyan ng karampatang atensiyong medikal.

Nauna nang iniulat na nawawala ang H125 Airbus, may registry number RP-9710 matapos lumipad dakong 6:17 am mula sa Manila Domestic Airport sa lungsod ng Pasay patungo sa Northern Quezon para sa umano’y ‘administrative mission.

Nabatid na patungong isla ng Balesin sa Polillo group of islands ang helicopter upang sunduin si Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Dionardo Carlos at ang kaniyang mga kasama.

Dumating ang mga rescue team mula sa PNP, Bureau of Fire Protection at LGU sa crash site sa Brgy. Pandan, sa nabanggit na bayan, dakong 8:05 am upang ilikas ang mga nakaligtas.

Ayon sa ulat na ipinadala sa PNP Command Center, umuulan sa crash site na halos 30 kilometro mula sa town proper ng Real.

Ipinag-utos ng PNP National Headquarters na grounded ang buong fleet ng H125 Airbus Police helicopters habang isinasagawa ang imbestigasyon sa pakikipag-ugnayan sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at Department of Transportation (DOTr), at iba pang ahensiya. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …