Saturday , November 16 2024
joven olvido

Sa Laguna
PGT finalist muling nasakote sa ‘bato’

SA IKALAWANG pagkakataon, mulang naaresto ang “Pilipinas Got Talent” Season 6 third runner-up na si Mark Joven “Vape Lord” Olvido sa ikinasang drug buy bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Cruz, lalawigan ng Laguna, nitong Biyernes ng gabi, 18 Pebrero.

Sa ulat ng Laguna PPO, dinakip si Olvido, 35 anyos, isang tricycle driver, sa Sitio Maunawain, Brgy. Duhat, sa nabanggit na bayan pasado 10:00 pm.

Nasamsam ng mga pulis mula sa suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu, may timbang na 12.5 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P85,000; at P500 marked money.

Matatandaan, noong Mayo 2021, nauna nang nadakip si Olvido dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga at nakalaya dahil sa plea bargaining agreement.

Nakilala si Olvido matapos maging isa sa mga finalists ng “Pilipinas Got Talent” noong 2018 at naging bahagi ng teleseryeng “Ang Probinsyano.”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …