Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

Mangingisdang rapist timbog sa manhunt

NADAKIP ng mga awtoridad ang naitalang no. 10 most wanted person ng CALABARZON PNP sa ikinasang joint manhunt operation sa bayan ng Sablayan, lalawigan ng Occidental Mindoro, nitong Biyernes ng hapon, 18 Pebrero.

Iniulat ni Laguna PPO acting Provincial Director P/Col. Rogarth Campo kay PRO4-A PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, ang pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Charlie Mejino, alyas Jollibee, 29 anyos, mangingisda, sa kaniyang tahanan sa Brgy. Buenavista sa nabanggit na bayan.

Isinagawa ang operasyon ng Mabitac MPS at Sablayan MPS sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Capt. Rolly Dahug sa bisa ng warrant of arrest sa krimeng panggagahasa kaugnay ng RA 7610 (Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination), may petsang 29 Mayo 2013, inisyu sa Regional Trial Court Branch 33, Siniloan, Laguna.

Pansamantalang nasa kustodiya ng Mabitac MPS ang akusado habang aabisohan ang court of origin sa pagkakaaresto sa wanted person.

Pahayag ni P/Col. Campo, “Patuloy nating paiigtingin ang ating mga operasyon laban sa wanted persons sa loob o labas ng lalawigan upang matiyak na walang mga kriminal na malayang gumagala at makapagdulot ng higit na pinsala sa mga mamamayan.” (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …