Lumitaw sa huling survey na isinagawa ng independent survey firm na RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) na naka-uungos pa rin si Quezon City Mayor Joy Belmonte kaysa sa katunggali nito bilang alakalde ng lungsod sa darating na halalan na si Mike Defensor.
Nanantiling ‘top choice” pa rin so Belmonte dahil sa mahusay na pamamahala kaya siya ay nakakuha ng 65 porsiyento ng boto kaysa 32 porsiyento ni Defensor.
Batay sa survey ng RPMD, tumaas pa ng 3% ang score ni Belmonte, samantalang -2% naman ang ibinaba ni Defensor.
Ayon kay Dr. Paul Martinez ng RPMD, ang “Halalan 2022 NCR Survey” ng RPMD ay gumamit ng random sampling na may kabuuang 10,000 rehistradong botante (1,000-1,500 sa malalaking lungsod) na may margin of error 2.5% hanggang 3%, habang 850 respondents naman ay may margin of error 3.36%, bilang mga respondent sa iba’t ibang bahagi ng mga lugar ng Metro Manila na nagpapatupad ng mga personal na panayam. Ang survey ay isinagawa Mula January 22 hanggang January 31, 2022.
Dagdag pa ni Martinez na isinasaad din ng kanilang survey, na karamihan sa mga nanunungkulan sa Metro Manila na tumatakbo para sa muling halalan o sa ibang katungkulan ay nananatiling pinakagustong kandidato.
Samantala, isa pang survey naman na isinagawa ng mga residente ng Barangay Bahay-Toro, isa sa pinaka-malaking barangay ng lungsod, lumalabas na malayong kalamangan ang ipinakita ni Belmonte kay Defensor.
Nakapagtala ang Mayora na 78 percent ng mga residente ng Bahay-Toro ay siya pa rin ang iboboto sa May 9. Samantalang 28 percent lang ang boboto kay Defensor.
Naitala rin ni Vice Mayor Gian Sotto ang kalamangan laban kay Winnie Castelo bilang bise-alkalde.
55.26 percent ng mga residente ay pabor pa rin kay Sotto. Samantalang 44.74 percent naman ang Kay Castelo.
Sa pagka-kongresista naman sa Distrito 1, 53.33 percent ang nakuha ni Arjo Atayde kumpara sa 46.67 ni Onyx Crisologo.